nipa


ní·pa

png |Bot |[ Hil Ilk Kap Pan Tag War ]
:
katutubòng palma (Nypa fruiticans ) na gumagapang ang pinakakatawan at may dahong mabalahibo at malapad at ginagawâng atip o dingding ng bahay, karaniwang tumutubò sa pinak at maputik na pook : ANÍPA, PINÓK, SASÁ Cf PÁWID

ni·pâ-ni·pâ

png |Zoo |[ Hil ]
:
uri ng ahas tubig na kulay kape at maraming tinik.

ní·pat

pnd |[ ST ]
:
varyant ng sípat, gaya sa sumípat.

ní·pat-ní·pat

png |Bot |[ Seb ]

nip-áy

png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng uod na maliit at parasitiko, at nakapipinsala sa manok.

ní·pay

png |Bot |[ Hil Seb Tag ]
:
baging (Mucuna gigantea ) na matingkad na lila ang bulaklak, at nababálot ng makunat na súpot ang bunga, katutubò sa Filipinas.