solo
só·lo
png |[ Ing ]
1:
sayaw, awit, at iba pang itinatanghal ng isang tao
2:
pag-lipad ng isang piloto nang walang ka-sáma
3:
anumang ginagawâ nang nag-iisa.
so·lo·bá·sib
png |[ ST ]
1:
pag-inom sa bumbóng
2:
kalikután ng baboy há-bang kumakain.
so·lob·boy
png |[ Bag ]
:
panyong hugis bumbong na parang sablay.
só·log
png |[ ST ]
:
pagpunô sa laman ang pantakal.
so·lo·hán
png |[ ST ]
:
tao na tagakuha o tagahanap ng mga bagay na kaila-ngan.
so·lo·ka·sók
png |[ ST ]
:
pagiging suk-lam.
So·lo·món, Só·lo·món
png |[ Esp Ing ]
:
sa Bibliya, anak ni David at naging hari ng sinaunang Israel.
so·lon·ma·nga·yáw
png |[ ST ]
:
usok o singáw na dumadaan na bahagyang may sindi.
so·lóp
png |[ ST ]
1:
pagpasok ng tubig sa sugat
2:
pagtagos ng likido sa ka-tulad ng biskotso o damit.
só·lop
png |[ ST ]
:
pag-akyat ng dugo sa mukha.
so·lo·pâ
png |[ ST ]
:
lunok o paglunok.
so·lo·pa·ká·ya
pnr |[ ST ]
:
madaldal o mahilig bumulong pagtalikod.