• ta•ngí
    png | [ ST ]
    1:
    damit na may mga guhit
    2:
    mga bitak ng balát sa mga kamay o paa.
  • ta•ngî
    pnr
    :
    hindi humihingi ng pabor kaninuman upang makaiwas na hingián ng pabor o tulong ng iba.
  • tá•ngi
    png | Bot | [ ST ]
    :
    isang magandang uri ng palay.
  • ta•ngì
    pnr | [ Kap Tag ]
    1:
    kaiba sa karaniwan o karamihan
    2:
    kaisa-isa; walang katulad, natatanging isa
    3:
    may partikular na okasyon, layon, at iba pa