tabu
ta·bu·án
png |[ Seb Mnb tabò+an ]
:
tiyangge na libre ang puwesto para sa mga nagtitinda.
ta·bú·bok
png |Bot
1:
tíla yerbang baging (Trichosanthes cucumerina ) na mabuhok at mabahò : PARPÁRYA
2:
ta·bud·lò
png |[ War ]
:
kanin na may halòng lamáng-ugat at gatâ.
ta·búd·yos
pnr |[ Seb ]
:
hugis silindro.
ta·bu·gí
png |Ana |[ ST ]
:
dulong bahagi ng puwit.
ta·bú·gok
png |Bot
:
patólang gúbat.
ta·bu·káw
png |Med |[ ST ]
:
isang uri ng tigdas.
ta·bu·la·dór
png |[ Esp ]
1:
tao o bagay ng gumagawâ ng tablero : TABULATOR
2:
mekanismo ng makinilya na ginagamit sa tabulasyon : TABULATOR
tá·bu·lá rá·sa
png |[ Lat ]
1:
isip na hindi pa naaapektuhan ng anumang karanasan, impresyon, at katulad
2:
anumang umiiral nang walang pagbabago sa orihinal at dalisay na kalagayan.
ta·bú·log
png |Zoo
:
munti at makintab na mollusk o kabibe.
ta·bú·ngaw
png |[ Ilk ]
:
sombrerong gawâ sa pinatuyông kalabasa.
ta·bung·búng
png |Mus |[ Cha ]
:
instrumentong tíla kudyapi, yarì sa kawayan, at may dalawang kuwerdas.
ta·bung·gók
png |Mus
:
regular na ritmo ng agung.
ta·bu·nók
pnr |[ Seb ]
:
matabâng lupa.
ta·bú·ray
png |[ Ilk ]
:
laro ng pagsasaboy ng buhangin sa isa’t isa.
ta·bu·yô
png |[ War ]
:
sisidlán o lalagyáng gawâ sa bao ng niyog.
ta·bú·yo
png |[ Mnd ]
:
uri ng basket na masinsing hinábi mula sa yantok at nitó.