taling
ta·li·ngá
png |[ Ilk ]
:
kumot na gawâ sa Ilocos.
ta·lí·ngan
png |Zoo
:
malapandong dilaw.
ta·li·ngas·ngás
pnr
:
matalas ang pandinig.
ta·ling-á·so
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.
ta·ling·dáw
png |Lit Mus |[ ST ]
1:
isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng awiting-bayan ng mga Tagalog, may dramatikong estruktura dahil may nauuna sa pag-awit at may sumasagot
2:
awit na nagsasagutan ang isang babae at isang laláki.
ta·ling·di·kíng
png |Bot |[ ST ]
:
salitâng Kapampangan, uri ng isang palay na pantubigan.
ta·ling·ha·gà
png |Lit
1:
mapagbuong simulain ng isang akda, lalo na kaugnay ng malikhaing pangangasiwa sa tayutay at retorika : HIBÁT1
2:
pang-ilalim na kahulugan ng isang pahayag : HIBÁT1
ta·ling·há·gan
png |Lit Mus
:
sa mga Agta sa Bataan, tawag sa awit na naglalahad ng mga huling habilin, hiling, at pamamaalam ng isang naghihingalo.
ta·ling·há·nap
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.
ta·ling·tí·ngan
png |Zoo
:
maliit na isdang-alat (family Pinguipedidae ), habâ ang katawan, maliliit ang kaliskis, may palikpik sa likod na sagad hanggang buntot, may uring kulay kayumanggi, pulá, o dalandan, at makikíta sa mababaw na tubig at tangrib : SAND PERCH,
TUKÔ3
ta·li·ngus·ngós
png
:
pakiramdam na yamot o naiinis.