tana
ta·ná
png |[ ST ]
:
paglalagay ng langis sa kilay.
tá·na
pnr |[ Ilk ]
:
nababagay sa okasyon.
ta·ná·bug
png |Bot |[ Ilk ]
:
umuusbong na sanga ng punò o palumpong.
tan-ág
png |Bot
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Kleinhovia hospita ) na may bulaklak na nakakumpol at mapusyaw na pulá ang talulot : GUEST TREE
ta·na·gà
png |Lit
:
sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat na pitóng pantig ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng isang buong diwa.
ta·nák
png |[ ST ]
1:
pagsasangag ng kaning kulay berde
2:
uri ng punongkahoy na nakalalason.
tá·nak
pnr |[ ST ]
:
purong-puro o napakadalisay.
ta·ná·kal
png
:
sinaunang paraan ng pagsusuri at pag-alam sa sanhi ng karamdaman o sakít sa pamamagitan ng isang itlog.
ta·nak·ták
png |[ ST ]
:
mga salita na dahil hindi na kailangan ay nakaiinis pakinggan.
ta·na·mí·tim
png |[ Ilk ]
:
pagkausap sa sarili.
tá·nan
png
1:
pag·tá·nan, pag·ta·tá· nan pagtakas kasáma ng kasintahan, karaniwan upang lihim na magpa-kasal : PAGTATÁKAS2,
PUSITÁRA,
TÁBAN3
2:
3:
Kar
[Kap]
tahílan1
ta·náp
png
:
kainaman ng lasa o temperatura.
tá·nas
pnr |[ ST ]
:
magastado dahil sa kagagamit.
tá·nat
png |[ ST ]
1:
pagbanat ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpapanipis dito
2:
pagpatag sa umbok
3:
paggilgil sa pamamagitan ng paet upang maipasok ang kalang magastado.
ta·náw
png
1:
inaasahang kasiyahan o bentaha sa hinaharap
2:
anumang maaabot ng paningin.
ta·ná·wa
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking punongkahoy.
ta·ná·wan
png |[ tanáw+an ]
:
pook na itinakdang sentinela.
ta·ná·win
png |[ tanáw+in ]
1:
mga tao o bagay na natatanaw
2:
likás na kagandahan ng isang pook Cf PAISÁHE