lupa


lu·pá

png |Bot |[ Ilk ]
:
palumpong (Laportea meyenia ) na may balahibong nakaiirita at may malalaking dahon.

lu·pà

png |[ Hil Mag Mrw Tag Tau ]
1:
solidong bahagi sa rabaw ng mundo, at ang ganitong bahagi sa lawas pangkalawakan : DAGÁ, DAGÀ2, DUTÀ, EARTH1, GABÚN, GAWÂ7, GÚMI1, LAND1, LÚPA1, SOIL, TÁNA, TIYÉRA, TUNÀ1, YUTÀ2
2:
mapipinong butil na naiiba kaysa bató, graba, at iba pa : DAGÁ, DAGÀ2, DUTÀ, EARTH1, GABÚN, GAWÂ7, GÚMI1, LAND1, LÚPA1, SOIL, TÁNA, TIYÉRA, TUNÀ1, YUTÀ2
3:
ari-ariang gaya ng lote, bukid, asyenda, o rantso
4:
simbolikong tawag sa bansa, gaya sa “tinubuang lupa ”
5:
Ark ilalim ng bahay ; ibabâ ng gusali

Lu·pà

png |Asn
1:
panlimang pinakamalaking planeta sa sistemang solar at pangatlong pinakamalapit sa Araw ; may diyametrong 12,681.6 km : DAIGDIG1, EARTH, TIYÉRA
2:
planetang tinitiráhan ng tao at iba pang may búhay : DAIGDIG1, EARTH, TIYÉRA

lú·pa

png
1:
Heo [ST] lupà1-2 ; pútik
2:
[ST] pakay o pakiramdam sa paglalakbay sa bundok at kagubatan nang hindi naliligaw
3:
Ana [Kap] mukhâ1

lú·pad

png |[ Bik Hil Seb Tau War ]

lu·pa·gî

pnr |[ Hil Tag ]
1:
nakaupô nang nakasalampak sa sahig : TIMPUHÔ
2:
naubos ang kabuhayan ; nabigo sa pangangalakal o labanán.

lu·pá·gi

png |[ ST ]
1:
pag-upo sa sahig nang walang sapin
2:
pagiging tamad o mahinà at walang ginagawâ kundi maupô at tumingin sa kawalan.

lu·pák

png |ni·lu·pák
:
saging na sabá na nilaga, dinikdik, at hinaluan ng niyog, asukal, gatas, at mantekilya.

lu·pák

png |Zoo |[ Seb ]

lu·pák

pnd |i·lu·pák, lu·pa·kán, lu·pa· kín, mag·lu·pák
1:
magbayó ng palay upang maihiwalay ang ipa sa bigas var lúpak
2:
mag-alis ng upak ng halámang gaya ng tubó Cf LUBÁ

lu·pa·ká·ya

pnr |[ Kap Tag ]
:
hindi makagawâ at makakilos dahil sa panghihinà at kawalan ng kakayahan : ALOPAKAYÁ

lu·pá·lop

png
2:
malayòng lupain
3:
ang maysakít na nakayuko at payat pa.

lu·pá·nit

png |[ ST ]
:
masamâng ugali.

lú·pas

png |[ ST ]
:
pagtanggal sa balát ng tubó o sa bao ng niyog.

lu·pa·sáy

pnr |[ Kap Tag ]
:
naupô nang pasalampak : LAPIGÂ, TALAMÁK2

lu·pá·say

png
:
pag-upô nang sayád ang puwit sa sahig.

lú·paw

png |[ ST ]
:
basket na malalim at makipot.

lu·pa·yà

png |[ ST ]
:
pagiging matiisin.

lu·pay·páy

pnr |[ Tsi Ilk Tag ]
:
laylay, tulad ng pakpak o biyas, dahil sa kahinaan : SUBASÓB1

lu·páy·pay

png |pan·lu·lu·páy·pay
1:
labis na panghihinà dahil sa kawalan ng pag-asa : DEKADÉNSIYA2
2:
paglungayngay ng mga bisig o ng pakpak kung mga ibon, dahil sa labis na págod — pnr lu·páy·pay nan·lu·páy·pay.