tut
tu·te·lá
png |[ Esp ]
1:
pag-aalaga at pagtuturò : TUTELAGE
2:
kalagayan ng pagiging nása ilalim : TUTELAGE
tú·ter
png |Kol |[ Ing tooter ]
:
pipa o maliit na túbong gamit sa paghitit ng shabu.
tu·tò
png |[ Bik Hil Rom Tag ]
:
munting batàng laláki.
tú·to
pnd |ma·tú·to, ma·tu·tú·han
1:
tu·tób
png |[ ST ]
1:
pagtakip o pagbálot sa sasakyang-dagat mula sa unahan hanggang sa hulihán nitó
2:
Mit
hayop na kakaiba ang anyo na may kulay pilak na mga pakpak.
tú·tob
png |[ Bag ]
:
parisukat na telang cotton, may iba’t ibang tingkad at pusyaw ng pulá, at inilalagay sa ulo.
tú·tog
png
1:
[ST]
paggupit ng sunóg na dulo ng mitsa ng kandila
2:
Bot
[ST]
pagkatuyo ng mga dulo ng dahon
3:
pagkaupos o pagkamatay, gaya sa natútog na kandila.
tu·tók
png |[ ST ]
1:
bahagi na nakalaan sa isang tao sa paghahati-hati ng isang bagay
2:
palatandaan na inilalagay upang ituwid ang isang baluktot na kahoy.
tú·tok
png
1:
pagtuturò ng dulo ng sandata sa isang tao o bagay — pnd i·tú·tok,
mag·tú·tok,
tu·tú·kan
2:
paglapit upang hindi magkamali ng tamà
3:
[Seb Tag]
títig.
tú·tol
png |[ Seb Tag ]
1:
pag·tú·tol damdamin o pahayag ng pagsalungat, hindi pagsang-ayon, o hindi pagkagusto : CHALLENGE2,
KÁYON,
OBJECTION1
2:
pag·tú·tol Bat apelasyón1
3:
Lit
[Mrw]
kuwéntong báyan.
tu·tóng
png |[ Bik Hil Tag ]
tu·tóp
pnr
1:
natatakpan o natatabunan ng kamay o buntot
2:
nahúli sa akto.
tutor (tyú·tor)
png |[ Ing ]
tutorial (tyu·tór·yal)
png |[ Ing ]
:
panahon ng pagtuturò na ibinibigay ng isang tutor at iba pa sa isang indibidwal o pangkat.
tu·tós
png
:
sa pananahi, hilbána.
tút·pik
png |[ Ing toothpick ]
:
maliit at matulis na piraso ng kahoy, plastik at iba pa na ginagamit na pang-alis ng tinga sa ngipin : PALÍTO1
tut·sáng
png |Ana |[ Chi ]
1:
maikling buhok sa ulo ng babae
2:
buhok sa loob ng ilong, lalo na ang umuusli palabas.
tu·tú
pnd |[ Ifu ]
:
magbayo ng gúda upang lumambot.
tú·tu
png |[ Ing ]
:
maikling palda ng baylarina na may pinatigas at nakaungos o nakausling pileges.
tu·tu·bán
png |[ War ]
:
sako ng arina na walang lamán.
tu·tu·bí
png |Zoo
:
alinman sa mga kulisap (order Odonata ) na may malakíng mata, payat, at mahabàng tiyan, kumakain ng lamok, at iba pang insekto, karaniwang nakabuka ang pakpak kahit nakadapò : ALIDÚNGDONG,
ALINDÁHAW,
ATIBÁGOS,
DRAGONFLY,
HANDÁNAW TAPODÌ,
TAWÁTO,
TULÁNG2,
TÚMBAK-TÚMBAK
tú·tuk
png |Mit |[ Kal ]
:
uod na unti-unting umuubos sa ngipin at nag-dudulot ng sakít sa ngipin at pagkabulok nitó.
tu·tu·lí
png
tú·tup
png |[ Mrw ]
:
pantakip sa pagkain, gawâ sa dahon ng pandan.