tuwan
tu·wán
png |[ ST ]
:
salitâng kahawig ng “hoy” at ginagamit upang magalang na tawagin ang isang tao.
tu·wan·dík
png |[ ST ]
:
pagbaligtad sa ayos ng isang bagay, ibuwal kung nakatayô at itindig kung nakatumba : TUWÁRIK
tu·wáng
png
:
pagtulong sa gawain.
tu·wáng
pnr
:
dalá-dalá, nakasalalay, o nakalagay sa dalawa o magkabilâng gilid.