salin


sa·lín

png |Bot |[ Bon ]

sa·lín

pnr |[ Hil Seb War ]

sá·lin

png
1:
paglipat mula sa isang sisidlan túngo sa iba : BÁBO, BALÉS3, BUBÒ3, BÚHO2, BÚRU, BÚLUS, HÁLIN2, HÚWAD, ÍPIS1, LÓNDANG, LÓNTAD, MÓDUD, PÁKBO, PÁLIS3, TÚWANG, YALÍSON
2:
pagkopya ng isang bagay mula sa orihinal : ÁBDIS, ÁROG2, HÚBAD, HÚLAD, LÍNGI, LUBÁD, SÍGOR, SÚBAD, YÁLAT, YÚLOG
3:
Lit pagtutumbas sa isang salita, parirala, o pangungusap mula sa orihinal na wika patúngo sa ikalawang wika : BERSIYÓN1, HÚLOG7, PATALÓS, TRADUKSIYÓN, TRANSLATION
4:
pag-endoso ng isang dokumento mula sa isang tanggapan túngo sa iba
5:
pagbibigay ng isang katungkulan sa isa túngo sa iba bílang promosyon sa trabaho o anumang katulad
6:
[Bik] pira-pirasong tanso na pinagtabasan
7:
[Bik Seb] tíra-tíra
8:
[Kap] pagtatanim muli
9:
[ST] sisidlan ng asin ayon kay Serrano-Laktaw.

sa·lí·nat

png |Bot
:
maliit na palumpong (Cephaloschefflera blancoi ) na may kumpol na makikitid at patulis na dahon sa bawat tangkay, at may kumpol ng maliliit na bunga, katutubò sa mga gubat ng Luzon at Mindanao : SAGÁBAL3

sa·lin·dá·to

png |Zoo |[ Seb ]

sa·lín·da·yáw

png |Zoo
:
usa na bago pa lámang tinutubuan ng sungay.

sa·lin·dég

png |[ Ilk ]

sa·lin·dú·gok

png |[ Hil ]

sa·líng

png
2:
[Kap Tag] salagóy.

sá·ling

png |Zoo |[ Seb ]

sa·lí·nga

png |[ Ilk ]
:
telang manipis.

sa·li·ngag·ngág

png
:
tinig o tunog na nagmumula sa isang malakas na ispiker : KALINGAGNGÁG

sá·ling-bú·bog

png |Bot
:
mababàng punongkahoy (Crataeva religiosa ) na tumataas nang 10 m at may bulaklak na maganda ngunit hindi kanais-nais ang amoy.

sa·li·ngít

pnr
:
nakatagò o nakalagay sa isang makipot na pook.

sa·líng·kod

png |[ Ilk ]

sa·ling·síng

png
1:
pakòng sinasabitan
2:
Med natuklap na balát sa itaas ng kuko.

sa·líng·sing

png
1:
Med munting tuklap ng balát sa may punò ng kuko : TAINGÁNG-DAGÂ
2:
maliit na singsing na ginagawâng sabitan ng kortina
3:
[Hil] usbóng1 o putók3

sa·li·ngú·kod

png |Zoo |[ Seb ]

sa·li·ngu·sô

pnr
:
may ugaling pausliin ang nguso kung galít.

sa·lin·kù

png |[ Kap ]

sa·lin·la·hì

png |[ Kap Tag salin+lahi ]
1:
isang pangkat ng mga buháy na nalikha at bumubuo sa isang hakbang ng pagsulong mula sa isang ninuno ; pangkat ng mga tao na magkakapanahong ipinanganak at nabúhay ; pangkat ng mga tao na may magkatulad na kalagayan o karanasan : APIDÁBID, GENERATION, HENERASYÓN, KALÍWAT2, KALIWÁTAN, KAPUTÓTAN, PUWÉN
2:
panahon sa pagitan ng mga magulang at ng kanilang mga anak : APIDÁBID, GENERATION, HENERASYÓN, KALÍWAT2, KALIWÁTAN, KAPUTÓTAN, PUWÉN

sa·li·nók

png
:
pabalik-balik na bugso ng hangin.