ty
tycoon (tay·kún)
png |[ Ing Jap taikun ]
1:
negosyanteng mayaman at maimpluwensiya
2:
tawag ng mga banyaga sa shogun ng Japan noong 1857–1868.
tympanum (tim·pá·num)
png |Ana |[ Ing Lat “tambol” ]
:
membrane sa pagitan ng panlabas at panloob ng tainga : EARDRUM
typecast (táyp·kast)
pnd |[ Ing ]
:
sa artista, matakda nang paulit-ulit sa isang tipo ng tauhan na ginagampanan.
typeface (táyp·feys)
png |[ Ing ]
1:
sa paglilimbag, set ng mga tipo o karakter sa isang partikular na disenyo
2:
marka na gawâ nitó.
typescript (táyp·is·krípt)
png |[ Ing ]
:
dokumentong minakinilya.
typesetter (tayp·sé·ter)
png |[ Ing ]
1:
sa paglilimbag, tao na nag-aayos ng tipo
2:
mákiná sa pag-aayos ng tipo.
typhlitis (tif·láy·tis)
png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng secum.
typhon (táy·fon)
png |Mit |[ Gri ]
:
pinakamabagsik na halimaw sa mitolohiyang Griego.
typhus (táy·fus)
png |Med |[ Ing ]
:
nakahahawang sakít na dulot ng rickettsia, kakikitahan ng pamamantal, pananakít ng ulo, at lagnat Cf TYPHOID
typist (táy·pist)
png |[ Ing ]
:
tao na gumagamit ng makinílya ; tagamakinilya.
tyrannosaurus (ti·rá·no·sów·rus)
png |Zoo |[ Gri ]
:
karniborong dinosawro (Tyrannosaurus rex ) na may malalakas na panga at huliháng mga binti, maliit at malukong na una-háng binti, at malakíng buntot.