vol
vó·lar
pnr |[ Ing ]
1:
Ana
hinggil sa palad ng kamay o talampakan ng paa
2:
Zoo
hinggil sa o ginagamit sa paglipad.
volatile (vól·a·tíl, vól·a·táyl)
pnr
1:
madalîng matuyo o sumingaw
2:
may tendensiyang sumambulat o sumabog
3:
pabago-bago o mabilis magbago.
Vól·ga
png |Heg |[ Rus ]
:
pinakamahabàng ilog sa Europa na umaakyat sa hilagang-kanlurang Russia at dumadaloy pasilangan nang 3,688 km hanggang Kazan at doon lumilikong patimog-silangan hanggang Dagat Caspian : ÍLOG VÓLGA
volley (vól·i)
png |[ Ing ]
1:
sabay-sabay at mabilis na pagputok ng bála ng baril o missile
2:
paglabas ng maraming bagay nang sabay-sabay o magkakasunod
3:
Isp sa tennis, paglipad ng bola bago tumalbog sa lupa ; sa volleyball, pagpalò ng bola pabalik sa kabilâng panig bago tumalbog sa lupa ; sa soccer, pagsipa sa bola bago dumapo sa lupa ; sa cricket, bolang pinalo na tumama sa wicket bago dumapo sa lupa.
volleyball (vó·li·ból)
png |Isp |[ Ing ]
1:
laro na may layuning halinhinang maibalik ng dalawang koponang magkatunggali ang pinalòng bola sa pamamagitan ng kamay, bago dumapo sa lupa
2:
bolang ginagamit sa larong ito.
volt
png |Ele |[ Ing “Alexander Volta” ]
:
istandard na yunit ng puwersang electromotive, katumbas ng potential difference na maghahatid ng isang ampere ng koryente sa pamamagitan ng resistance ng isang ohm Cf V
voltaic (vol·té·yik)
pnr |Ele |[ Ing ]
:
hinggil sa elektrisidad o koryente, lalo na ang likhang kemikal na reaksiyon, gaya sa baterya.
voltameter (vol·tá·mi·tér)
png |Ele |[ Ing ]
:
kasangkapang ginagamit na pansukat ng kantidad ng elektrisidad na dumaraan sa isang konduktor.
Volte-face (volt-fás)
png |[ Ing Fre “ilingon ang mukha” ]
:
pagbabago ng posisyon, opinyon, o argumento.
voltmeter (volt·mí·ter)
png |Ele |[ Ing ]
:
instrumentong pansúkat at ginagamit sa pagtáya ng potential difference sa pagitan ng dalawang púnto ng isang sirkitong elekriko.
volume (vól·yum)
png |[ Ing ]
2:
bílot ng papyrus, parchment, o katulad, gaya sa manuskrito Cf VOL
3:
espasyo na sinasakop ng isang bagay at sinusukat sa yunit na cubic Cf VOL
4:
mass o kantidad, lalo na ng malakíng kantidad ng isang bagay Cf VOL
5:
intensidad ng tunog Cf VOL