• bul•kán
    png | [ Esp volcán ]
    1:
    bútas ng lupa na nilulusutan ng lava, abó, at gas
    2:
    bundok o talampas ng naipong lava, abo, at ibang materyales mula sa ilalim ng lupa
    3:
    anumang may katangiang maaaring sumabog
  • Bul•kán Pi•na•tú•bo
    png | Heg
    :
    aktibong bulkan na matatagpuan sa timog Zambales at hulíng pumutok noong 1991
  • Bul•kán I•rá•ya
    png | Heg
    :
    bulkang matatagpuan sa pulô ng Batanes sa hilagang Luzon at may taas na 1,008 m mula sa pantay-dagat
  • Bul•kán Bu•lú•san
    png | Heg
    :
    aktibong bulkang matatagpuan sa Sorsogon at may taas na 1,559 m mula sa pantay-dagat
  • Bul•kán Hí•bok-Hí•bok
    png | Heg
    :
    bulkang matatagpuan sa Mambajao, Camiguin at may taas na 1,332 m mula sa pantay-dagat
  • Bul•kán Kan•la•ón
    png | Heg
    :
    pinakamataas na bulkan ng Negros
  • Bul•kán Ma•yón
    png | Heg
    :
    aktibong bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Albay at may taas na 2,415 m mula sa pantay-dagat
  • Bul•kán Ta•ál
    png | Heg
    :
    aktibong bulkan na matatagpuan sa isang pulo sa Lawa ng Taal sa timog kanluran ng Luzon at may taas na 320 m mula sa pantay-dagat