yáo.
yó·del
pnd |[ Ing ]
:
umawit nang malamyos at may palagiang pagpapalit sa pagitan ng falsetto at normal na tinig, katulad ng paraan ng pag-awit ng mga Swiss na naninirahan sa bundok.
Yó·ga
png |[ Hin ]
1:
pagsasáma ng sarili sa pinakamakapangyarihang nilaláng
2:
alinman sa mga pamaraan o disiplina na naaabot ang pagsasámang ito
3:
paaralan ng pilosopiyang Hindu na nagtataguyod at nagbibigay ng daan sa pisikal at mental na mga disiplina upang maabot ang pagsasámang ito.
Yó·gad
png |Ant
:
pangkating etniko sa lalawigan ng Isabela.
yoghurt (yó·gart)
png |[ Ing ]
:
pagkain na maasim, gawâ sa kinortang gatas, at karaniwang sinasangkapan ng prutas.
yó·gi
png |[ Hin ]
:
tao na may kasanayán sa yoga.
yo·kóng
png |Zoo
:
maliit na ibon (Pitta erythrogaster ), makulay ang balahibo, napakaikli ang buntot, mahabà at payát ang binti, at palaging nása lupa : PITTA
yolk (yowk)
png |[ Ing ]
1:
2:
Bio
bahagi ng itlog ng hayop na direktang pumapasok sa pagbubuo ng embryo kasáma ang iba pang materyal
3:
gitnang bahagi
4:
langis na lumalabas sa balát ng tupa.
young (yang)
png |Bio |[ Ing ]
1:
supling, lalo ng hayop bago isilang at matapos maisilang
2:
batà1 ; kabatáan1-3
Young Men’s Christian Association (yang mens krís·tyan á·so·si·éy·syon)
png |[ Ing ]
:
samahang pangkalusugan at pagtutulungang pangkaunlaran sa hanay ng kabataang laláki na nagsimula sa Britain noong 1844 Cf YMCA
Young Women’s Christian Association (yang wé·mens krís·tyan áso·si·éy·syon)
png |[ Ing ]
:
samahang pangkalusugan at pangkaunlaran sa hanay ng kabataang babae na nagsimula sa Britain noong 1855 Cf YWCA
your (yur)
pnh |[ Ing ]
:
ukol sa sarili, pang-isahan o pangmaramihan.
yours (yurs)
pnh |[ Ing ]
1:
anuman at sinuman na kasáma o may kaugnayan sa sarili
2:
karaniwang kabílang sa batìng pangwakas ng isang liham hal, yours truly.
yó·weng
png |Lit Mus |[ Bon ]
1:
awit kapag may pagtitipon, may tatluhang nota at may estilong nagsasagutan
2:
awit kapag nagkakatas ng tubó, at may apatang nota.
yó·yo
png
:
laruang ikiran, binubuo ng pinagsaklob na dalawang bilóg na kahoy, metal, o plastik na pinagdurugtong ng maliit na piraso ng kahoy o metal at pinaiikot sa pamamagitan ng pisi.