• bu•gà

    png
    :
    batóng hasaan ng mapurol, bungî, o makalawang na patalim

  • bu•gá

    png | [ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
    1:
    malakas na pagpapalabas ng anu-mang nása bibig o ilong
    2:
    tunog ng pagbuga
    3:
    laro sa holen na pinalalabas sa bibig upang patamaan ang holen ng kalaban
    4:
    pagsitsit hábang sumisingaw ang mainit na hangin
    5:
    [Kap Tag] halámang gamot na nginunguya ng albularyo at idinudura sa bahaging masakít

  • bu•gâ

    png | [ ST ]
    1:
    pagsasalita nang malakas
    2:
    ungol ng isang galít na hayop

  • Bu•gâ!

    pdd
    :
    varyant ng Bulagâ!