agwa
ág·wa ben·dí·ta
png |[ Esp agua bendita ]
:
sa Katolisismo, banal na tubig na ibinabasbas tuwing may binyag at iba pang ritwal ng simbahan Cf BENDÍTA
ág·wad
png |[ ST ]
:
pag-iwas o pagtatago sa pinagkakautangan.
ág·wad
pnd |ag·wá·rin, i·ág·wad, mag-ág·wad |[ War ]
:
itirintas ; ibuhol.
ag·wa·dé·ro
png |[ Esp agua+dero ]
:
pook na maaaring salukan ng tubig.
ag·wa·dór
png |[ Esp aguador ]
1:
tagasalok ng tubig
2:
tao na gayon ang hanapbuhay.
ag·wá·has
png |Zoo |[ Esp aguajas ]
:
bukol sa paa ng kabayo.
ág·wa·má·dre
png |Kem |[ Esp agua madre ]
:
pangunahing alak.
ág·wa·ma·rí·na
png |[ Esp aguamarina ]
1:
kulay na naghahalò ang asul at lungtian
2:
mamaháling bató na may gayong kulay at ginagawâng hiyas.
ag·wan·tá
png |[ Esp aguante ]
1:
tiís o pagtitiis
2:
tiyagâ o pagtitiyaga.
ág·wa-pló·ri·da
png |[ Esp agua florida ]
:
pinabangong tubig.
ág·wa-pó·so
png |[ Esp agua+pozo ]
:
tubig sa balón.
ág·wa-pu·wér·te
png |Kem |[ Esp agua fuerte ]
:
nitric acid.
ag·wár
png |[ ST ]
:
pag-iwas sa pinagkakautangan.
ag·wa·rás
png |[ Esp aguarrás ]
:
turpentina o likidong langis na nakukuha sa mga punongkahoy.
ag·wa-re·hí·ya
png |Kem |[ Esp agua regía ]
:
pinaghalòng nitric at hydrochloric acid.
ag·wás
png |Zoo |[ Bik Tag War ]
:
semilya ng banak.
ág·was
png |Zoo
:
tawag sa banak kapag nangingitlog.
ag·wa·sé·ro
png |Mtr |[ Esp aguacero ]
:
malakas na ulan.
ag·wá·sun
png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng makamandag na ahas (Pelamis platura ) na itim ang likod at dilaw ang tiyan.
ág·wa·ti·yém·po
png |[ Esp agua tiempo ]
:
inúmin na pampalit sa tubig at ipinaiinom sa maysakít upang mapabilis ang paggalíng.