alak
a·lák
png |[ ST ]
:
malakas na sigaw.
á·lak
png
1:
[Hil Kap Mag Mrw Pan Seb Tau]
anumang inúming matapang at nakalalasing, gaya ng bási, bíno, serbesa, at whisky : AGWARDIYÉNTE,
ALAKSÍW2,
ÁRAK1,
BÍNO,
ESPÍRITÚ3,
LIKÓR,
WINE Cf ALE,
BOURBON,
BRÁNDI,
CHAMPAGNE,
COGNAC,
GIN,
LAMBANÓG,
MAOTAI,
RUM,
SÁKE,
SCOTCH WHISKY,
SHERRY,
SIYÓKTONG,
TEQUILA,
TÁPUY,
TUBÂ,
VODKA
2:
[ST]
pagpapaalab ng apoy sa pamamagitan ng mga tuyong dahon
3:
Bot
[ST]
tawag sa yantok na malakí at matigas kayâ mahirap ibuhol.
a·la·ká·ak
png
1:
2:
Bot
palumpong na lumalakí nang may 80 sm diyametro.
a·lá·ka·ák
png |[ Hil ]
:
tunog ng nahulog na sanga mula sa punongkahoy.
a·lak-ák
png |Zoo
:
ibong mandaragit (Ichthyophaga ichthyaetus ) na kauri ng banoy at may namamayaning kulay na abuhin sa balahibo at bagwis, malimit na natatagpuan sa mga tubigan at isda ang pagkain : FISH-EAGLE
a·lák-a·lá·kan
png |[ alak+alak+an ]
1:
alak na ginaya lámang ang orihinal ; mababàng uri ng alak
2:
Ana
[Kap Tag]
panloob na kurba sa hugpungan ng binti at hita ; likod ng tuhod : LAKKÓ,
LUKÓ-LUKOÁN,
LÚKON-LÚKON,
SIKLÁ,
TIKLÚPANG-TÚHOD Cf LILIGNÁN
a·lak·bát
png
:
anumang bagay na nakasakbat sa balikat.
a·lák·bat
pnd |i·a·lák·bat, mag-a·lák·bat |[ War ]
:
makiugnay ; makisali.
a·lak·dán
png |[ Esp alacrán ]
1:
Zoo
araknida (Heterometrus longimanus ) na may makamandag na buntot : ALAKRÁN,
ANAKLÁNG,
ÁTANG-ÁTANG1,
ESKÓRPIYÓN,
ÍWI-ÍWI,
MANGGAGÁMA,
ÓRANG,
PITUMBUKÓ,
SCORPION,
UTDÓ1
2:
Asn
Scorpio2
a·la·ké·ka
png |[ Esp alaqueca ]
:
uri ng batóng pulá.
a·la·kóm
png |[ ST ]
:
pagkuha sa anumang nadadakot o nakukuyom ng kamay.
a·la·kóp
png
:
pagpapatong ng isang bagay sa iba pa upang makabuo ng isang yunit.