alimango
a·li·má·ngo
png |Zoo |[ Hil Seb Tag War ]
:
malakíng crustacean (Scylla serrata ), umaabot sa lapad na 20 sm at bigat na 1.5 kg, may talukab na hugis abaniko, makinis ang rabaw, kulay abuhing lungtian o kayumanggi ang katawan, at karaniwang nakatirá sa mapuputik ba bahagi ng medyo maalat na tubig : ALAMÁ2,
AMORÓNGSOD,
ANÍIT3,
CRAB,
ÉMA,
KANGRÉHO,
LUMAYÁGAN,
MALÁKA,
MANGILÁUD,
RASÁ,
SUGÁ-SUGÁ2 Cf ALIMÁSAG,
KATÁNG,
TALANGKÂ
a·li·má·ngong-ba·kú·nog
png |Zoo |[ alimango+ng-bakunog ]
:
alimangong (Charybdis feriata ) may krus sa ibabaw ng talukab, mabalahibo, matingkad ang kulay ng balát, at may lason ang lamán kayâ hindi nakakain.
a·li·má·ngong-ba·tó
png |Zoo |[ alimango+ng-bató ]
:
alimangong may batík-batík na putî.