talangka


ta·lang·kâ

png |Zoo
:
maliit na crustacean (Varuna litterata ), umaabot sa 5 sm ang lapad ng talukab na medyo sapad, kulay kayumanggi ang buong katawan, malimit na matatagpuang nakakapit sa lumulutang na kawayan, kahoy, o bao ng niyog, at karaniwang nakatirá sa mga bakawan, sapà, medyo maalat na palaisdaan, at kahit sa palayan : KALÁMPAY, KAPPÍ, KATÁNG, PÁKOT, SHORE CRAB Cf DAKÚMO

ta·lang·kág

png |[ ST ]
1:
pagtindig ng uten
2:
pagsibol nang tuloy-tuloy ng búko.

ta·lang·kâng-bú·kid

png |Zoo |[ talangkâ +ng búkid ]
:
uri ng talangkâ na mapintog at nahuhuli sa bukid.

ta·lang·kâng-pé·he

png |Zoo |[ talangkâ +na péje ]
:
uri ng talangkâ na kulay itim ang talukab.

ta·lang·kás

png
1:
Ntk bangkang magaan na maaaring lumayag nang taliwas sa hangin, mabilis, at hindi nakapaglululan ng kargamento
2:
kagandahan ng anyo, kilos, o ekspresyon.

ta·lang·káw

png
1:
kalaykay na kawayan
2: