amin


a·mín

png |[ ST ]
:
pagdinig o pagpansin sa sinabi ng iba, at paniniwala dito.

á·min

png |pag-á·min
:
pagtanggap o pagtatapat sa nagawâng kasalanan : KUMPISÁL1 Cf TUGÂ

á·min

pnh
:
panghalip panaong maramihan, unang panauhan, nása kaukulang paari, at pauna ang pagkakalagay ; salitâng kumakatawan sa ngalan ng mga taong nag-aari o kinauukulan ng bagay, gawain, o pangyayaring binabanggit ngunit hindi sumasaklaw sa kausap : OUR Cf NÁMIN

amine (á·min)

png |Kem |[ Ing ]
:
compound na nabubuo mula sa amonya sa pamamagitan ng pagpapalit sa isa o higit pang atom ng hydrogen ng isang organikong radikal.

a·míng

pnr

a·mín·han

png |[ Hil ]

a·mí·no

pnr |Kem |[ Ing ]
:
nagtataglay ng amino group.

amino acid (a·mí·no á·sid)

png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa uri ng organikong compound na nagtataglay ng hindi bababâ sa isang carboxyl group at isang amino group ; ang mga alpha amino acid RCH (NH2) COOH ang mga building block ng protina.

amino group (am·í·no grup)

png |Kem |[ Ing ]
:
pangkat na univalent NH2 : AMINO RADICAL

amino radical (a·mí·no rá·di·kál)

png |Kem |[ Ing ]
:
amino group.