• ba•líw

    png
    1:
    [ST] baníg
    2:
    [Hil Seb] balanggót1

  • bá•liw

    pnd | [ Seb ]
    :
    matamaan ng kidlat

  • ba•líw

    pnr
    1:
    nawala ang katinuan ng isip; walang bait
    2:
    matinding kawalan ng kakayahang pangkaisipan at pagkilála sa sariling katauhan dahil sa pagkawala o pinsala sa mga neuron sa utak at nakikilála sa pamamagitan ng pagkasirà ng gunita, pagbabago ng personalidad, at magulóng pangangatwiran
    3:
    [ST] sari-saring bagay na pinagsanib, hal para gumawâ ng pansamantalang silungan