apog


á·pog

png |[ Hil Ilk Mrw Seb Tag War ]
1:
Kem maputîng abó o gabok ng mga sinunog na kabíbe, lukan, halaan, at kauri na ginagamit sa pagsesemento o paglalapat at pagdidikit-dikit ng mga batóng silyar ng mga pader o bakod : AMÉD, APÌ1, BANGKÍT2, KAL, LIME2, PIRALÎ, PUTÎ2
2:
pinong kauri nitó na isinasáma ng matatandâ sa kanilang ngangà o inilalagay sa tubig na pinagbababáran ng mga kamyas, kundol, kalabasa, at katulad : AMÉD, BANGKÍT2, LIME2, PIRALÎ, PUTÎ2 — pnr ma·á·pog. — pnd a·pú·gan, mag-á·pog

apogee (á·po·dyí)

png |[ Ing ]
1:
Asn punto sa orbit ng isang lawas pangkalawakan, tulad ng buwan, na pinakamalayò sa mundo : APOHEÓ
2:
Heo pinakamalayò o pinakamataas na pook : APOHEÓ Cf PERIGEE