agi
á·gi
pnd |a·gí·han, i·á·gi, mag-á·gi |[ Bik Seb ]
:
dumaan ; lumipas.
a·gíd
pnr |[ Bik ]
:
túlad o katúlad.
á·gid-á·gid
pnr |[ Seb ]
:
túlad o katúlad.
a·gí·hap
png |Med |[ ST ]
:
singaw sa mga sulok ng bibig.
agíhon
png |Zoo |[ Tag ]
:
huni ng baboy-damo o kabayo.
á·gi·lá
png |Zoo |[ Esp águila ]
1:
Zoo
bánoy
2:
Psd uri ng baklad na hugis agilang nakabukad ang pakpak.
á·gil-á·gil
pnr |[ Hil ]
:
nabansot, gaya ng haláman.
a·gi·mád·mad
png |[ Bik ]
:
málay o kamalayan.
a·gí·mud
pnr |[ Seb ]
:
ismid o kayâ’y simangot.
a·gi·nál·do
png |[ Esp aguinaldo ]
:
regalo kung Pasko.
a·gí·ngay
png |Bot |[ ST ]
:
mataas na damo na karaniwang matatagpuan sa palayán o tubuhán, at ginagamit na pagkain ng hayop lalo na ng kalabaw.
a·ging-íng
png |[ ST ]
:
taginting ng tunog, gaya ng sa biyolin.
a·gí·ot
|[ ST ]
1:
pagpapalakas sa loob ng kasáma var agyót — pnd a·gi·ó·tan,
i·a·gí·ot,
mag-a·gí·ot
2:
bútas o biyak sa tapayan o gusi.
a·gis-ís
png |Med |[ Seb ]
:
putîng kaliskis sa balát na nabubuo o lumalabas kapag tuyô ang balát : BALUKISKÍS1,
MALIKASKÁS2
a·gít-a·gi·tán
pnr |[ Bik ]
:
masigid o misidhi.
a·git-ít
png |[ Seb ]
:
tunog na katulad ng lagitik.
á·giw
png |[ Akl Hil Seb ST ]
1:
maruming sapot ng gagamba
2:
maitim na dumi mula sa usok ng lampara o kandila.