bubo


bu·bó

png |[ ST ]
1:
pagbubuhos o pagligwak ng tubig o ibang likido mula sa sisidlan
2:
pagtákot sa mga manok o mga hayop.

bu·bò

png
1:
[ST] pagtunaw sa bakal
2:
[Bik Tag War] pagbuhos ng likido o nilusaw na bagay sa molde bago tumigas
3:
[Hil] sálin1

bu·bô

pnr
:
hindi sinasadyang pagligwak o pag-apaw ng likido.

bú·bo

png
:
[Bik Hil Ilk Seb Tag War] tíla túbo at gawâ sa kawayang panghúli ng isda.

bú·bod

png |[ Ilk ]

bú·bog

png |[ Bik Hil Seb Tag ]
1:
kristal, bote, o katulad na materyales
2:
baság na bote, kristal, at katulad
3:
Bot tíla gulamang damong-dagat.

bu·bóg-bu·bú·gan

png |[ ST ]
:
malinaw ngunit maruming tubig ng dagat.

bu·bón

png
1:
[Akl Tag] balón1
2:
Ana [War] bumbúnan.

bú·bon-bú·bon

png |Ana |[ Bik ]

bu·bóng

png
1:
Ana [ST] talukap ng mata var bobóng
2:
Ark [Bik Ilk Pan Tag War] pinakaitaas na bahagi ng bahay o anumang estruktura na sumasaklob sa kabuuan nitó : ATO1, ATÓP, ATÚP, BUBUNGÁN1, LIPÁPA, ROOF1
3:
anumang may gamit na tulad ng bubóng ng bahay hal bubóng ng paa.

bú·bo-sa-hí·pon

png |Psd
:
sa Laguna, panghuli o pansilòng hugis binumbong at nilalagyan ng pain para sa mga hipon.

bu·bót

pnr |Bot
:
hindi hinog, karaniwan sa bungangkahoy gaya ng bubót na bayabas, at bubót na sinigwelas : HILÁW2, LABÁGHOY, LÍNGHOD, MAILÁW, NAGANÁS, PUTÓT3, SABÓNG

bú·bot

png
1:
2:
dalawa o higit pa na nagmula sa isang punò o lahi
3:
Ana [Seb War] puwít1–2

bú·bot

pnd |bú·bu·tin, i·bú·bot, mag·bú·bot |[ ST ]
1:
gayahin ang pinong pananalita at kakaibang ginagawâ

bú·boy

png |Bot |[ Bik Hil Tag ]
:
punò (Ceiba pentandra ) ng kapok na pinagkukunan ng putîng búlak : BASÁNGLAY, BÚLAK-KÁHOY, KASANGLÁY

bú·boy-gú·bat

png |Bot
:
punongkahoy (Gossampinus heptaphylla ) na pinagkukunan ng puláng bulak.