bundok
bun·dók
png
1:
malaking bunton
Bun·dók A·po
png |Heg
:
pinakamataas na bundók sa Filipinas na nása katimugang Mindanao, sa pagitan ng North Cotabato sa kanluran at Lungsod Davao sa silangan at may taas na 2,954 m mula sa pantay-dagat.
Bun·dók A·rá·yat
png |Heg
:
bundók na may konong halos simetriko, matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pampanga, at may taas na 1,100 m mula sa pantay dagat : ÁRÁYAT
Bun·dók Ba·ná·haw
png |Heg
:
bundók na matatagpuan malapit sa Dolores, Quezon at may taas na 2,177 m mula sa pantay-dagat.
Bundok Everest (bun·dók e·ve·rést)
png |Heg
:
bundók sa timog Asia sa hanggahan ng Nepal at Tibet, bahagi ng Bulubundukin ng Himalaya, may taas na 8,848 m mula sa pantay-dagat, at itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong mundo.
Bundok Halcon (bun·dók hal·kón)
png |Heg
:
isa sa pinakamataas na bundók sa Mindoro.
Bun·dók Ma·kí·ling
png |Heg
:
bundók na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna malapit sa bayan ng Los Baños at may taas na 1,109 m mula sa pantay-dagat.
Bun·dók Pú·log
png |Heg
:
pangala-wang pinakamataas na bundók sa Filipinas, may taas na 2, 928 m mula sa pantay-dagat, at matatag-puan sa Central Cordillera sa Luzon.