palaw
pá·law
pnd |[ Bik ]
:
magtapas o tapasin.
pa·la·wak·yáw
pnr |[ ST ]
:
may ugaling gumamit ng mapanlait na salita.
pa·la·wán
png |Bot
pa·lá·wan
png |[ Buk ]
:
panlaláking paha na hinabi nang paayon.
Pa·lá·wan
png
1:
Heg
lalawigan sa Timog Katagalugan ng Filipinas, Rehiyon IV
2:
Ant
pangkating etniko na matatagpuan sa timog Palawan.
palawan cherry (pa·lá·wan tsér·i)
png |Bot |[ Ing ]
:
maliit hanggang malakí-lakíng punongkahoy (Cassia x palawan cherry ), karaniwang nakalaylay ang mga sangang namumulaklak, at ang bulaklak ay kulay pink, malaganap sa Palawan kayâ gayon ang pangalan ngunit maaaring ito ay hybrid : BALÁYONG2
pa·la·wing·wíng
png |[ ST ]
:
anumang isinasabit sa damit upang magsilbing palamuti.
pa·lá·wis
png
:
banderitas na inilalagay sa mga bangka o sasakyang panlupa.