cap
cap (kap)
png |[ Ing ]
1:
sombrerong yari sa tela, karaniwang walang pardiyas, kung mayroon man, nása harap lámang : SYÓRPIT
Capella (ka·pé·la)
png |Asn |[ Ing ]
:
pinakamaningning na bituin sa langit.
Cape of Good Hope (kéyp of gúd howp)
png |Heg |[ Ing ]
:
Tangos Buena Esperanza.
capias (kéy·pi·yás)
png |Bat |[ Lat ]
:
nakasulat na kautusang dakpin ang tinutukoy na tao.
capillarity (ká·pi·lá·ri·tí)
png |[ Ing ]
1:
estado ng pagiging capillary : KAPILARIDÁD
2:
manipestasyon ng tensiyon sa rabaw na tumataas o umiimpis ang bahagi ng likido na dumiit sa solido.
capillary (ka·pí·la·rí)
png |Ana |[ Ing ]
:
maliit na ugat na dinadaluyan ng dugô sa katawan ng tao : KAPILÁR
Capiz (ká·pis)
png |Heg
:
lalawigan sa kanlurang Visayas, Rehiyon VI.
cappucino (ka·pu·tsí·nó)
png |[ Ita ]
:
inúming binubuo ng kapeng ekspreso at mainit na gatas.
capriccio (ka·prí·tso)
png |[ Ita ]
1:
Mus
masigla at maikling awitin
2:
pintura, larawan, o katulad na nagtatanghal ng pantasya o pinaghalong hinagap at katotohanan
Capricorn (káp·ri·kórn)
png |[ Ing ]
1:
2:
Asn
pansampung senyas ng zodyak (22 Disyembre –19 Enero ) at isinasagisag ng kambing na may buntot ng isda ; o ang tao na ipinanganak nang ang araw ay nása ganitong senyas : KAPRIKÓRNIYÓ
capsize (káp·says)
pnd |[ Ing ]
:
tumaob ang bangka.
Capuchin (ká·pu·tsín)
png |[ Ing ]
1:
fraile na kasapi ng ordeng Fransiskano na mahigpit na sumusunod sa kautusan ng kaniyang orden : KAPUTSÍNO
2:
sa maliit na titik, balabal at putong na isinusuot ng mga babae : KAPUTSÍNO
3:
sa maliit na titik, unggoy sa Timog Africa (genus Cebus ) na may buhok sa ulo na tíla putong ng monghe : KAPUTSÍNO