dagi
dá·gi
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palay na mula sa kabundukan.
dá·gi-dá·gi
png |[ Ilk ]
2:
pansamantalang kamilya
3:
kontrapsiyon na inilalagay sa likod para sa pagbubuhat ng batà o anumang bagay na mabigat.
da·gí·is
png
:
págod dahil sa pagdadalá ng mabigat na bagay.
dá·gil
png
1:
sagì1 lalo na kapag isinagi ang siko sa nadaanang tao : DANTÍK3
2:
sagì, ngunit mas marahas at maaaring nakapagdudulot ng pagkabigla o pinsala sa nasagi, hal dagil ng kotse — pnd da·gí·lin,
i·pan·dá·gil,
ma·dá·gil.
da·gi·láb
png |[ ST ]
:
walang kabuluhang pagpapasikat o pagyayabang.
da·gi·lán
png |[ dágil+an ]
1:
larong sagián
2:
pagpipingkían ng mga siko at balikat.
da·gil·díl
png
1:
[ST]
pagtutulak sa anumang paraan
2:
tunog ng bumubuhos na graba.
da·gi·rá·gi
png |[ ST ]
:
uri ng maliit na basket na may malalaking bútas.
da·gí·ray
png |Lit Mus |[ ST ]
:
awit ng pagsagwan.
da·gís-da·gí·san
png |[ dagis+dagis+ an ]
:
pook na dinaraanan ng patúloy at malakas na hangin.
da·gis·dís
png
:
malakas at walang tigil na ulan.
da·gí·son
png
1:
ípod o pag-ípod
2:
paghingi ng tulong — pnd du·ma·gí·son,
i·da·gí·son,
mag·da·gí·son
3:
[ST]
pagtitipon ng mga damit na nakasampay o nakasabit
4:
[ST]
pagsasáma ng sarili sa iba para sumunod sa kanila.
da·gít
png |Zoo
:
uri ng ilahas na páto (family Anatidae ).
dá·git
png
1:
2:
anumang katulad na marahas na pagkuha, gaya sa pagkuha sa isang babae upang pagsamantalahan o pakasalan — pnd da·gí·tin,
du·má·git,
man·dá·git
Dá·git
png
:
ritwal ng pagdagit sa luksang damit ng imahen ng Mahal na Birhen, isinasagawâ kung Pasko ng Pagkabuhay.
da·git·dít
png
:
mabilis na pagbayó ng palay sa lusóng — pnd da·git·di·tín,
du·ma·git·dít,
i·da·git·dít,
i·pag·da·git·dít,
mag·da·git·dít.
da·gí·ya
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagtitipon ng mga tao upang makipagkalakalan.