dip
DIP (di·áy·pi)
daglat |Com |[ Ing ]
:
document image processing.
di·pá
png
1:
di·pa·bí·nin
png |Lit Mus |[ ST ]
:
isang masiglang awit ng tagumpay, malimit na humahantong sa pag-inom at pagtagay.
di-pa·lák
png |[ ST ]
:
sawikaing panghambing upang tukuyin na ang isa ay labis na nakahihigit sa isa pa ; hal di-palak na marunong si Pedro kay Juan.
di-pan·táy
pnr
1:
di magkatulad ang kantidad, dami, taas, at iba pang katangian
2:
hindi magkareto sa paligsahan o tunggalian
3:
hindi makinis ang rabaw Cf TÚLHAK
di·pá·ra
png |[ Hil ]
:
pansín2 o pagpansin.
díp·dip
png |[ Hil ]
:
lalagyang gawâ sa kawayan na kinayas hanggang sa numipis.
dip·dí·pon
png |Zoo
:
uri ng ibon (Irena cyanogaster ), kahawig ng kilyawan ngunit may madilim na asul na kulay sa ulo, likod, at pakpak : FAIRY-BLUEBIRD,
SUNODAMÓ
di·pe·rén·si·yá
png |[ Esp diferencia ]
1:
3:
kapansánan o pinsalà.
di·pe·ren·si·yál
pnr |[ Esp diferencial ]
1:
tungkol sa pagkakaiba
2:
Mek
hinggil sa pagkakaiba ng dalawa o higit pang mosyon, presyur, at iba pa.
di·pe·rén·si·yál
png |[ Ing differencial ]
1:
halagang nalalabí
2:
Mek
bahagi ng sasakyang de-motor na kinaroroonan ng mga gear para sa pagkontrol ng mga shaft.
di·pe·rén·si·yas·yón
png |[ Esp diferenciación ]
:
pagbabago o pag-iiba ng anyo, ayos, o itsura.
diplodocus (dip·lo·dó·kus)
png |Zoo |[ Ing ]
:
sa panahong Jurassic, malakíng dinosawro (genus Diplodocus ) na erbiboro.
dip·ló·ma
png |[ Ing ]
1:
sertipikong ipinagkakaloob ng kolehiyo o unibersidad sa sinumang nagtapos sa antas ng akademikong pag-aaral
2:
dokumentong nagpapatunay ng karangalan at karapatan
3:
opisyal na dokumento.
dip·lo·más·ya
png |Pol |[ Esp diplomacia ]
1:
pamamahala ng ugnayang internasyonal ; kadalubhasaan dito : DIPLOMACY
2:
díp·lo·mát
png |[ Ing ]
1:
opisyal na kumakatawan ng bansa sa ibang bansa ; kasapi ng diplomatikong paglilingkod : DIPLOMATÁ
2:
tao na mahusay makitúngo.
diplomatic bag (dip·lo·má·tik bag)
png |[ Ing ]
:
lalagyan ng opisyal na sulat mula at patúngo sa embahada.
diplomatic immunity (dip·lo·má·tik im·yú·ni·tí)
png |[ Ing ]
:
pagiging libre sa buwis, habla, pagdakip, at iba pa ng isang diplomatikong kawani sa labas ng bansa.
dip·lo·má·ti·kó
pnr |[ Esp diplomatico ]
:
may kasanayán sa diplomasya o gumagamit ng diplomasya : DIPLOMATIC
dip·lóp·ya
png |Med |[ Ing diplopia ]
:
kondisyon ng mata na doble ang paningin.
Di·pó·log Heg
png
:
lungsod sa Zamboanga del Norte at kabesera ng lalawigan.
dipper (dí·per)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
ibon (Cinclus cinclus ) na may maikling buntot at may kakayahang sumisid sa tubig
2:
hugis tásang sisidlan na may mahabà at tuwid na tatangnan at ginagamit na pansalok ng tubig Cf HÚNGOT
dipsomania (díp·so·méy·nya)
png |Med |[ Ing ]
:
abnormal na pananabik sa alkohol.
Dip·té·ra
png |Zoo |[ Ing ]
:
order na binubuo ng mga kulisap na may dalawang pakpak na higit na maliit ang hulihán at nagsisilbing pambalanse kapag lumilipad, gaya ng lamok — pnr dip·té·ro.
dipterocarp (dip·te·ro·kárp)
png |[ Ing ]
:
mataas na punongkahoy sa gubat na nakukuhanan ng resin at troso.
dip·tér·ya
png |Med |[ Esp difteria ]
:
sakít na malubha at nakahahawa, sanhi ng bakterya, may pamamagâ ng lalamunan, at nagdudulot ng paghihirap sa paghinga at paglunok : DIPHTHERIA
diptych (díp·tik)
png |[ Ing ]
1:
Sin
painting, karaniwang inilalagay sa altar, na may dalawang entrepanyong pinaghugpong at maaaring itiklop tulad ng aklat
2:
sinaunang lapida na may dalawang dahon na pinaghugpong ng allid.
di·pus·yón
png |[ Esp difusion ]
1:
pagkalat o paglaganap : DIFFUSION
2:
Pis
paghahalò ng mga molecule, ion, at katulad, nagbubunga ng pagbabago ng init o singaw : DIFFUSION
3:
4:
pagsasalin ng mga elemento o salik ng isang kultura túngo sa iba : DIFFUSION
di·pu·tas·yón
png |Pol |[ Esp diputacion ]
:
pagtatalaga bílang diputado o pagiging diputado.