dom
DOM (dí·o·ém)
daglat |[ Ing ]
:
dirty old man.
do·ma·dór
png |[ Esp ]
:
tao na tagapag-amò at tagapagturò ng hayop.
dó·man
png |Bot |[ ST ]
:
palay na kulay lungtian ang bigas.
dó·mat
png |[ ST ]
:
maraming bagay na hindi kailangan at binibílang.
domestic (do·més·tik)
png |[ Ing ]
:
katulong sa bahay.
domestic (do·més·tik)
pnr |[ Ing ]
1:
hinggil sa tahanan o gawaing pam-pamilya
2:
hinggil sa sariling bayan
domicile (dó·mi·sáyl, dó·mi·síl)
png |[ Ing ]
1:
báhay1 o tiráhan1
2:
Bat
pook na permanenteng tinitirhan.
domiciliary (do·mi·sil·yá·ri)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa tahanan.
dominance (dó·mi·náns)
png |[ Ing ]
1:
kalagayan ng pagiging makapangyarihan
2:
kontrol at paghawak ng kapangyarihan.
dó·mi·nánt
png |Mus |[ Ing ]
:
panlimang nota sa diyatonikong eskala ng anumang key.
do·mi·nas·yón
png |[ Esp dominación ]
1:
pagkontrol o pag-impluwensiya sa isang tao o bagay : DOMINATION,
LÁKILÁKI3,
PANGINGIBABAW1
2:
pagsakop sa isang larang o pook : DOMINATION
Dominica (dó·mi·ní·ka, do·mí·ni·ká)
png |[ Ing ]
:
isla sa silangang West Indies.
Dominican Republic (do·mí·ni·kán re·páb·lik)
png |Heg |[ Ing ]
:
bansang sumasakop sa silangang bahagi ng islang Hispaniola, sa gitnang West Indies.
do·mí·ni·kó
png |Zoo
:
migratoryong ibong kapamilya ng tordo (Copsychus saularis ) na kulay asul at itim, at may batík ng putî ang balahibo : ASOSÍLOY,
ORIENTAL MAGPIE-ROBIN,
SÍLOY
Do·mí·ni·kó
pnr |[ Esp dominico ]
1:
tumutukoy kay Santo Domingo o sa itinatag niyang orden ng fraileng nangangaral ; o ang orden ng mga madre na itinatag ayon sa prinsipyo ng mga Dominiko : DOMINICAN
2:
tumutukoy sa Dominican Republic o mga mamamayan nitó : DOMINICAN
3:
tu-mutukoy sa pulo ng Dominica o mga mamamayan nitó : DOMINICAN
dó·mi·nó
png |[ Ing ]
1:
alinman sa labingwalong pitsa na biluhaba o parihaba, may bilóg na ukit mula isa hanggang anim na nagsasaad ng bílang nitó
2:
larong ginagamitan nitó.
do·mín·yo
png |[ Esp dominio ]
1:
kapangyarihan sa ibabaw ng isang pook, pangkat, at katulad : DOMINION