don
don
png
1:
[Esp]
ginoó
2:
[Esp]
tawag pamitagan sa laláking may mataas na katayuan sa lipunan, dón·ya kung babae
3:
Bot
[Iba]
dáhon1
doña alicia (dón·ya a·lís·ya)
png |Bot |[ Esp doña ]
:
cultivar (Mussaenda ‘Doña Alicia’ ) na mapusyaw na pink ang braktea at dilaw ang bulaklak.
doña aurora (dón·ya aw·ró·ra)
png |Bot |[ Esp ]
:
cultivar (Mussaenda ‘Doña Aurora’ ) na 4 m ang taas, malapad ang dahon na may maikling tulis sa dulo, may bulaklak na maliit na tíla túbo na bumubukad sa limang habilóg na talulot at kulay manilaw-nilaw na dalandan, isang cultivar na katutubò sa Filipinas.
doña esperanza (dón·ya és·pe·rán·za)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Esperanza’ ) na may kremang isahang braktea na mamulá-mulá ang gilid.
doña gining imelda (dón·ya gí·ning i·mél·da)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Gining Imelda’ ) na may maramihang braktea na kulay krema na nahahaluan ng pink.
doña hilaria (dón·ya hi·lár·ya)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Hilaria’ ) na may maramihang braktea na pink.
doña leonila (dón·ya le·yo·ní·la)
png |Bot |[ Esp ]
:
palumpong (Mussaenda ‘Doña Leonila’ ) na nakabilot o nakatiklop ang putîng braktea at higit na malaki sa doña aurora.
doña luz (dón·ya luz)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Luz’ ) ng M. Doña Aurora at M. Doña Trining na may matingkad na rosas at maramihang braktea.
doña maria clara (dón·ya mar·yá klá·ra)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Maria Clara’ ) na matingkad na rosas ang braktea.
doña paciencia (dón·ya pa·sén·si·yá)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Paciencia’ ) na may maramihan at nababatikan na pink na braktea.
doña queen sirikít (dón·ya kwin si·ri·kít)
png |Bot |[ Esp ]
:
isang hybrid (Mussaenda ‘Doña Queen Sirikit’ ) na may kremang maramihang braktea.
do·nas·yón
png |[ Esp donación ]
dó·nat
png |[ Ing doughnut ]
:
tinapay na hugis malakíng singsing at gawâ sa itlog, arina, gatas, at pampalasa : DOUGHNUT
doña trining (dón·ya trí·ning)
png |Bot |[ Esp ]
:
palumpong (Mussaenda erythrophylla ) na matingkad na pink ang bulaklak, at kahawig ng doña aurora at doña leonila, katutubò sa India at ipinasok sa Filipinas pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
dong
png
1:
tunog ng kampana
2:
Ekn
pangunahing yunit ng salapi ng Vietnam.
donga (dóng·ga)
png |[ Ing ]
1:
tubigán na natuyô
2:
bangin na likha ng pagguho.
dó·ngas
png |Mil |[ Bik ]
:
pagsalakay ng kalaban sa isang bayan.
dó·ngil
pnd |do·ngí·lin, i·dó·ngil, mag· dó·ngil |[ ST ]
:
maglaro ng isang bagay gamit ang mga labì.
do·ngi·yá·san
png |Say |[ Tng ]
:
katutubòng sayaw ng pares ng babae at laláki.
dóng·la
png |Bot |[ Ifu ]
:
halámang malapad at kulay pulá ang dahon, ginagamit na palamuti sa pútong at pinaniniwalaang sagrado.
dongle (dáng·gel)
|Com |[ Ing ]
:
lakip na seguridad upang magamit ang protektadong software.
do·ngól
png |[ ST ]
1:
kahol ng áso ; atungal ng hayop
2:
pagkauntog sa kanto ng anumang bagay
dó·ngos
png |Zoo |[ ST ]
:
tiyan o puson ng hayop.
donjon (dán·dzan)
png |[ Ing ]
:
sinaunang baybay ng dungeon1
Don Juan Tiñoso (don hu·wán tin· yó·so)
png |Lit
:
napakakisig na prinsipe at tauhan sa metriko romanse, nagkunwang matanda at may ketong.
don manuel (don man·wél)
png |Bot |[ Esp ]
:
palumpong (Hamelia patens ) na kulay kahel ang bulaklak at mabutó ang bungang pulá na nagiging lila kung hinog, katutubò sa Florida, Paraguay, West Indies : SCARLET BUSH
dó·nor
png |[ Ing ]
1:
tao na nagbibigay ng donasyon : DONADÓR
2:
tao na nagbibigay ng dugo o anumang bahagi ng kaniyang katawan : DONADÓR
3:
4:
Pis
atom na hindi dalisay sa semi-conductor at nagdadalá ng elektron na maaaring daluyan ng enerhiya : DONADÓR
don·pi·lás
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng isda.
Don Tiburcio de Espadaña (don ti·búr·si·yó de es·pa·dán·ya)
png |Lit
:
tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina.
Donya Consolacion (dón·ya kon·so· las·yón)
png |Lit
:
sa Noli Me Tangere, tauhang palaaway at asawa ng alferez.
Donya Victorina (dón·ya vik·to·rí·na)
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mayamang asawa ni Don Tiburcio at nagpupumilit kilalanin bílang Espanyola.