gulong
gu·lóng
png |Mek |[ Hil ST ]
gú·long
png
1:
ikot na papihit-pihit tulad ng galaw ng bola, gulóng, at iba pa : KATELÉK,
LÍGAD,
LÍGID2,
PANAGTÚLID,
PARÚLANG,
ROLL3,
TAMBALÍLID — pnd gu·mú·long,
i·gú·long,
mág·pa·gú·long
2:
paulit-ulit na pagbiling ng katawan — pnd gu·lú·ngan,
gu·mú·long,
i·gú·long
3:
[ST]
along hindi nababasag.
gu·lóng-gu·lóng
png |[ Seb gulóng+ gulóng ]
:
bahagi ng kampana o kuliling na lumilikha ng tunog.
gú·long-gú·long
png |[ Ilk ]
:
uri ng galáng.
gu·lóng ng ka·pa·lá·ran
png
1:
ang paghahambing sa kapalaran ng tao sa tíla umiikot na gulóng kayâ minsa’y nása ibabaw, minsa’y nása ilalim kayâ’t di dapat maging lubhang masaya kapag masuwerte o malungkot kapag naghihirap
2:
laro sa baraha at pagsusugal na gumagamit ng isang umiikot na ruleta na may mga munting dibisyon at kaugnay na numero : WHEEL OF FORTUNE