ibon


í·bon

png
1:
Zoo hayop (class Aves ) na mabalahibo, may tuka, may dalawang pakpak, at makaliskis ang mga paa : AYÚP, BÍLLIT2, BIRD, ÍBBUNG, LÁNGGAM, MAMMÁNU, MÁNOK, MÁNOK-MÁNOK2, MANO-MANÓK, MÁNUK2, PAPÁNOK, PÍSPIS1 Cf TÁMSI
2:
isa sa dalawang mukha ng barya, ang panlikod, at ginagamit sa larong kara-krus, kappô, at katulad
3:
Kol tawag sa titi ng batàng laláki.

i·bóng

png |[ Bik ]

Í·bong A·dár·na

png |Lit
:
korído na tumatalakay sa búhay at karanasan ni Don Juan sa paghahanap sa ibong adarna.

í·bong mán·da·ra·gít

png |Lit |[ ibon+ na mang+da+dagit ]
:
ibon na pumapatay o kumakain ng maliliit na hayop, hal lawin, agila, o buwitre.

í·bong pá·re

png |Zoo |[ ibon+na pare ]
:
ibon (Lalage nigra chilensis ) na kulay abuhin at may balahibong sudsod sa gawing tuka, karaniwang nanginginain ng mga kulisap at maliliit na bunga : BUGAÚNGON, PIED TRILLER, SALÁKSAK

i·bón-i·bú·nan

png |[ ibon-ibon+an ]
1:
Bot mabalahibong palumpong (Rhinacanthus nasutus ) na napagkukunan ng rhinacantin
2:
laruan o anumang itinulad sa anyo ng ibon.