inc
Inca (ing·ká)
png |Ant |[ Esp ]
:
sinaunang pangkating etniko sa Timog America na nagtatag ng imperyo sa Peru bago sakupin ng España.
incantation (ín·kan·téy·syon)
png |[ Ing ]
1:
pag-awit o pagbigkas ng mga salitâng pinaniniwalaang may kapangyarihan
2:
tawag sa pagsasagawâ nitó.
incendiary (in·sén·di·yá·ri)
png |[ Ing ]
1:
tao na nagsisimua ng sunog o gulo Cf ÁRSONÍSTA
2:
bomba1 o anumang pasabog
3:
anumang bagay na nakapagdudulot ng sunog o apoy.
incisor (in·sáy·sor)
png |Ana |[ Ing ]
:
ngipin na matalim sa bukana ng bibig, ginagamit na pampútol ng pagkain.
incline (in·kláyn)
pnd |[ Ing ]
1:
gawing katanggap-tanggap o maayos ang isang bagay o pangyayari para sa isang tao ; o magsaad ng tiyak na pagkíling sa isang bagay
2:
baluktutin ang ulo o katawan nang paharap o pababâ
3:
ilihis maliban sa patayo o pahalang na posisyon.
include (in·klúd)
pnd |[ Ing ]
:
isáma o ibílang sa kabuuan ; ilagay sa isang kategorya.
incognito (in·kóg·ni·tó, in·kog·ní·to)
pnr pnb |[ Lat ]
:
hinggil sa lihim na pangalan o kaakuhan ng isang tao.
income tax (ín·kam taks)
png |[ Ing ]
:
buwis na ipinapataw sa kíta ; taunang buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa personal na kíta at may pinagbabatayang antas ng mga singilin at exemption.
incorporate (in·kór·po·réyt)
pnd |[ Ing ]
1:
itatag bílang korporasyon
2:
pag-isahin upang maging ganap o makabuo ng isang lawas
3:
tanggapin bílang kasapi ng kompanya at katulad
4:
pagsamahin ; pagsanibin.
increase (in·krís)
pnd |[ Ing ]
1:
gawing higit na marami o malakí
2:
dagdagan o patindihin ang kantidad, at iba pa
increase (ín·kris)
png |[ Ing ]
1:
proseso o paraan ng pagpaparami o pagpapalakí
2:
pagdami ng bílang
3:
lakí o halaga ng idinami.
incubate (ín·kyu·béyt)
pnd |[ Ing ]
1:
limliman o maglaan ng artipisyal na init upang mapisa sa tamang panahon ang itlog
2:
paramihin ang bakterya sa pamamagitan ng paglalaan ng angkop na kondisyon.
incubation (ín·kyu·béy·syon)
png |[ Ing ]
2:
Med
pa-nahon mula sa pagkakalantad sa impeksiyon hanggang paglitaw ng unang sintomas.
incubus (ín·kyu·bús)
png |[ Ing ]
1:
Mit
demonyo na pinaniniwalaang nakikipagtalik sa mga babaeng natutúlog
2:
Med
bangúngot1
3:
tao o bagay na sanhi ng hirap.
incurable (in·kyú·ra·ból)
png |Med |[ Ing ]
:
wala nang remedyo o lunas ; hindi na mapagagalíng : ÍNGKURÁBLE
incus (íng·kus)
png |Ana |[ Ing ]
:
maliit at hugis palihan na butó sa dakong gitna ng tainga.