inda
in·dá
pnr |[ ST ]
:
pinansin o nakaramdam ng hirap, pagod, o insulto ; karaniwang nása anyong negatibo at may kasá-mang “di-” (di-inda), kayâ nagiging kabaligtaran ang ibig sabihin.
ín·da
pnb |[ Bik ]
:
hindi ko alam ; ewan ko.
in·dá·ba
png |[ Ing ]
1:
kumperensiya ng mga katutubòng Aprikano mula sa silangan ; kumperensiyang may kasámang mga kasapi ng naturang mga tao
2:
Kol
problema o pagkabahala ng isang tao.
in·dák
png |Say |[ Kap Tag ]
:
sa sayaw, ang galaw ng mga paa.
in·da·kú·na
png |Say |[ ST ]
:
uri ng sayaw.
in·dá·ngan
png |Zoo
:
malaki-laking isdang-alat na kauri ng labahita (family Nasinae ) at naiiba dahil sa tíla sungay na bukol sa pagitan ng matá at bibig : UNICORNFISH
in·dá po·ón
png
:
nunong babae.
In·da·ra·pát·ra
png |Lit
:
kapatid ni Raha Sulayman.
in·dá·ray
png
:
paglakad o pagsayaw sa pamamagitan ng isang paa — pnd i·in·dá·ray,
mag-in·dá·ray,
u·min·dá· ray.
in·dá·yog
png
1:
Lit
sinukat na daloy ng mga salita at parirala sa berso o prósa : AWINÁWON,
KADÉNSIYÁ1,
LAWIWÌ,
RHYTHM,
RÍTMO
2:
Mus
aspekto ng komposisyong pangmusika na hinggil sa asénto at habà ng mga nota ; o partikular na uri ng padron na binubuo nitó, hal samba, duple : KADÉNSIYÁ1,
LURANDÁN,
RHYTHM,
RÍTMO
3: