tiya


tí·ya

png |[ Esp tía ]
1:
kapatid o pinsang babae ng amá o ina ng isang tao : ÁLE1, AUNT, DADÂ2, DÁGA2, INAÓN, INDÂ2, NÁNA, TÍTA
2:
asawa ng tiyo : ÁLE1, AUNT, DADÂ2, DÁGA2, INAÓN, INDÂ2, NÁNA, TÍTA

ti·yáb

png
:
ukit sa katawan ng punongkahoy, poste at iba pa upang madalîng akyatin.

ti·yá·baw

png |[ Hil Seb ]

ti·yád

pnd |mag·ti·yád, tu·mi·yád
:
lumakad nang palihim o maingat sa pamamagitan ng dulo ng malaking daliri ng paa o ng mga daliri ng paa : AKAKURAYÁT, IKÍD, KÍNTID, KÍNTO, TIHÍN, TÍKAD, TIL-ÁY var tiád

ti·yád

png |[ ST ]
:
tulos ng bakod o hanggahan.

ti·ya·gâ

png |[ Kap Tag ]
:
sipag at sikap na ituloy ang gawain, kahit magtagal, sa kabilâ ng babala, oposisyon, at mga kabiguan : AGWANTÁ2, DÚLOT2, ILÓB, PERSEVERANCE, SEÉT2, TAMÁN1

ti·ya·géw

png |[ Pan ]

ti·yá·gi

png |[ War ]

ti·yák

pnr
2:
hindi maaaring pag-alinlanganan : CERTAIN, DEFINITE, DEPINÍDO, NATÁLGED, PÁT-OD, PÚDNO1, SEGURÁDO, SURE1, TANDÉS, TÁNGKED

ti·yán

png
1:
Ana bahagi ng katawan sa pagitan ng diaphragm at balakang ; naglalamán ng mga bituka, atay at balunbalunan, at iba pa : ABDOMEN1, BELLY, BODÉGA3, BÚYON1, EGÉS1, TÁBU1, TUMMY
2:
Zoo sa mga kulisap at crustacean, ang hulihang bahagi ng katawan.

ti·yá·nak

png |Mit
:
lamáng-lupa na si-nasabing kaluluwa ng sanggol na namatay nang hindi nabinyagan, karaniwang mapaglaro at mahilig iligáw ang sinumang mapaglaruang manlalakbay : PATIÁNAK

ti·ya·ngáw

png |Zoo |[ Seb ]

ti·yang·gê

png |[ Esp Mex tiangue ]
1:
pansamantalang palengke na mababâ ang presyo ng bilihin : BARÁKA2, TALIPAPÂ
2:
takdang-araw ng pamilihan para sa isang pook o bayan : TABÒ2

ti·ya·nì

png |[ Chi ]
:
maliit na sipit na pambunot ng buhok o panghawak sa maliliit na bagay.

ti·yá·ong

png |[ ST ]
:
marahas na pagnanakaw.

ti·yáp

png |pag·ti·ti·yáp
1:
pagkakasundo na magkíta sa isang tiyak na panahon at pook
2:
pagkakasundo na gawín nang magkasáma ang isang bagay Cf KATIYÁP
3:
hindi sinasadyang pagtatagpo o magka-sabay na pangyayari Cf KOINSIDENSIYÁ

ti·yár

pnr |[ Pan ]

ti·yá·ra

png
:
varyant ng tiara.

tí·ya·tí·ya

png |[ Mrw ]

ti·yá·to

png |[ Mag ]

ti·yáw

png
:
aglahì1 var tiáw

tí·yaw

png |Zoo |[ Btk Pal Tbw ]
:
katutubòng myna (Gracula religiosa ), malakí ang katawan, itim ang balahibo na may bahid na morado at lungtian, dalandang pulá ang tukâ, madilim na kayumanggi ang matá, dilaw ang paa, at may kakayahang manggaya ng salita : HILL MYNA

ti·ya·wók

png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng maingay na ibon.

ti·yá·wong

png |[ ST ]
:
pagdadala ng babae sa pinunò ng sasakyang-dagat.