lagu
la·gû
png |[ Kap ]
:
ganda1 o kagandahan, kung sa babae — pnr ma·la·gû.
la·gub·lób
png
:
biglaang pagdumog o pagpalibot ng mga tao sa anuman o sinumang nakatawag ng pansin.
la·guk·tók
png |[ ST ]
:
ingay na likha ng sipong malapot kapag ito ay sinisinghot.
la·gu·lò
png |Bot
1:
magaspang na pakô (Acrostichum aureum ) na karaniwang tumataas nang 2 m at lumalago sa gilid ng sapà, bakawan, o anumang tubigan
2:
la·gu·mà
png |[ ST ]
:
mabuting kaibigan.
la·gum·bâ
png
:
pagsasamantala sa anumang bagay na mahalaga, may pahintulot man o wala ang may-ari — pnd la·gúm·ba·ín,
mag·la·gum·bâ.
la·gu·mók
png |[ ST ]
:
ingay na likha ng mga hayop hábang sinisirà ang bukid na nalinang na o may mga pananim.
la·gum·pít
png |[ ST ]
:
impit na utot.
La·gú·na
png |Heg
:
lalawigan sa Timog Katagalugan ng Filipinas, Rehiyon IV.
la·gun·dá
png
:
pagkalat ng mga damit o anumang mahalagang bagay na nakasalansan o nakaipon nang maayos — pnd i·la·gun·dá,
la· gún·da·hín,
mag·la·gun·dá.
la·gun·dî
png |Bot
:
tuwid at masangang palumpong (Vitex negondo ) na tumataas nang 2-5 m, asul ang bulaklak, at bilog na itim ang bungang nakakain at itinatanim bílang halámang gamot at halámang ornamental : DÁNGLA2
la·gun·díng-dá·gat
png |Bot |[ lagundi+ng+dagat ]
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Vitex trifolia ), 10 m ang taas, tatlong pilas ang dahon, maliit at bilóg ang bunga, hitik kung mamulaklak na kulay mapusyaw na lila.
la·gun·lón
png
1:
pulutong at ingay ng mga tao na nagtatakbuhan palayô sa kinatatakutan
2:
tunog ng rumaragasang tubig var lagunlóng
3:
pagsasaayos at pagsasaisang-tabí ng mga bagay.
la·gup·lóp
png
:
piliting abutin ang isang bagay na hindi maabot.
la·gú·san
png |[ lagos+an ]
:
daanan sa pagpasok o paglabas sa isang pook.
la·gú·san
pnr |[ lagos+an ]
:
abot hanggang sa kabilâng dako o bahagi.
la·gú·saw
png |[ ST ]
1:
tunog sa tubig na likha ng pagpasag ng mga isda o ng pagtatampisaw — pnd la·gu·sa·wín,
mag·la·gu·sáw
2:
la·gus·lós
png |[ ST ]
:
ingay na likha ng tubig mula sa mga punò, o mula sa prutas, o ingay ng pagpatak ng ihi.
la·gu·tók
png |[ ST ]
la·gú·yaw
pnd |lu·ma·gu·yá·wan, mag·la·gu·yá·wan |[ Hil ]
:
mangibang bayan o bansa.
la·gu·yò, la·gu·yó
png
: