loob


lo·ób

png |[ Pan Tag ]
1:
bahagi o rabaw ng isang bagay na hindi nakikíta : DALÉM, KALOÓBAN1, KILÚB, LÁGUM1, LAÓG, LAÓNG Cf INSIDE, INTERIOR, INTERYÓR, LABÁS, PALABÁS
2:
taimtim na pasiya o pagkukusa, gaya sa “bukal sa loob, ” “kalooban” at “kusang-loob”
3:
dalisay at taal na diwa ng pagkatao.

lo·ób

pnd |lo·o·bán, man·lo·ób
:
mag-nakaw o nakawan, karaniwan sa loob ng bahay.

lo·ó·ban

png |[ loob+an ]
1:
lupang may tanim na haláman at punongkahoy na karaniwang nababakuran
2:
lupang katabi o nása paligid ng mga bahay o anumang gusali na pawang nababakuran
3:
kabahayan sa likod ng mga bahay sa tabíng kalsada.