luma
lu·má
pnr |[ Kap Tag ]
:
pagbabawas ng volume o kantidad, karaniwan sa pagbayó, pagdikdik, pagnguya, at iba pa.
lú·ma
png |[ ST ]
:
pagpapahinà ng loob o pagpapaliit ng tingin sa sarili.
Lu·má·bat
png |Mit |[ Bag ]
:
unang mortal na nakaratíng sa langit at naging diyos.
lú·mag
png |[ ST ]
:
isang uri ng gayuma.
lu·mám·paw
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng kawayan.
lu·má·nay
png |[ ST ]
Lú·mang Ti·pán
png
:
kasulatang binubuo ng unang 39 na aklat ng Bibliyang Kristiyano ; Bibliyang Hebrew na naglalamán ng talâ ng paglaláng, pinagmulan ng sangkatauhan, kasunduan ng Diyos sa mga Hudyo at ang kanilang sinaunang kasaysayan : OLD TESTAMENT Cf BÁGONG TIPÁN
lú·mat
png
:
pagkaantala ng mga bagay na dapat gawin.
Lu·má·wig
png |Mit |[ Cor ]
1:
bathalang tagapaglikha var Lomawig,
Lumauig,
Lumauwig
2:
anak ni Kabunyian, isang diyos.
lu·máw-lu·máw
pnd |lu·mu·máw-lu·máw, mag·lu·máw-lu·máw |[ Hil ]
:
mangilid ang luha.