malas
má·las
png |pag·má·las |[ Kap ST ]
má·las
pnr |[ Esp mala+s ]
ma·la·sá·do
pnr |[ Esp mal+asado ]
:
hindi pa gaanong lutô, karaniwan sa itlog at karne : BÁNGKALÁSAN,
SOFT-BOILED
ma·la·sa·gà
png |[ ST mala+saga ]
:
uri ng halámang may malalabay na sanga.
ma·la·sá·ging
png |[ ST mala+saging ]
1:
Zoo
isdang-tabáng na natatagpuan sa bukid na may tubig
2:
Bot
uri ng punongkahoy.
ma·la·sá·kit
png |pag·ma·ma·la·sá·kit |[ mala+sákit ]
ma·la·sam·bál
png |Bot |[ mala+ sambal ]
:
palumpong (Dracaena angustifolia ) na masanga at mabalahibo ang punò, at hitik na putî kung mamulaklak : TALÍGBUHÓK
ma·la·sam·pá·ga
png |Bot |[ ST mala+ sampaga ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.
ma·la·sa·wá
png |Bot |[ ST mala+sawa ]
:
uri ng gumagapang na haláman na may tangkay na nakapagpapagalíng ng sugat.
ma·la·si·ád
png |Bot |[ ST mala+siad ]
:
uri ng baging na ginagamit na bagting ng búsog.
ma·la·sí·ay
png |Bot |[ ST ma+lasi+ay ]
:
yantok na gamit sa paggawâ ng arko.
ma·las·más
pnd |i·ma·las·más, mag· ma·las·más, ma·las·ma·sín |[ ST ]
:
unawain o intindihin ang anumang maganap.
ma·las·ti·gí
pnr |[ ST ]
:
yamót na yamót ; galít na galít.
ma·la·su·gî
png |Zoo |[ Seb Tag ]
:
malaking isdang-alat (family Istiophoridae ) na may bibig na tíla mahabàng tuka ang pang-itaas na labì, itinuturing na mahalagang húli sa pangingisda bílang isports at maaaring maging napakabigat ang timbang : MÁRLIN var malasúgi
ma·lá·su·la·sì
png |Bot |[ mala+sulasì ]
:
punongkahoy (Leptospermun flavescens ) na tumataas nang 5 m, nagagawâng tsaa ang pinatuyông dahon.
ma·las·wâ
pnr |[ ma+laswâ ]
1:
nakasasabik at nakaaaliw lalo na sa pamamagitan ng pagiging mahalay : SPICY2