tanaw


ta·náw

pnr
:
nakikíta mula sa malayò : LÁNTAW

ta·náw

png
1:
inaasahang kasiyahan o bentaha sa hinaharap
2:
anumang maaabot ng paningin.

tán-aw

png |[ Hil Seb War ]

ta·ná·wa

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking punongkahoy.

ta·ná·wan

png |[ tanáw+an ]
:
pook na itinakdang sentinela.

ta·ná·win

png |[ tanáw+in ]
1:
mga tao o bagay na natatanaw
2:
likás na kagandahan ng isang pook Cf PAISÁHE