malo
ma·lô
png |Ntk |[ ST ]
:
uri ng malakíng sasakyang-dagat.
ma·lo·báy
png |[ ST ]
:
ginto na may mababàng kilates.
malocclusion (má·lo·klú·syon)
png |Med |[ Ing ]
:
hindi wastong posisyon ng mga ngipin kapag nakasará ang bibig.
má·lok
png |[ Mrw ]
:
likhâ2 o nilikha.
ma·ló·kag
png |[ ST ]
1:
pagtindig ng balahibo sa balát ng mga hayop o ng palikpik ng isda
má·lok-bá·lok
png |Bot |[ Bis ]
:
baní 2.
Ma·ló·los
png |Heg
:
bayan at kabesera ng lalawigan ng Bulacan.
Malolos Republic (ma·ló·los re·páb·lik)
png |Kas |[ Ing ]
:
Republikang Malolos.
ma·ló·ma
png |[ ST ]
:
bagay na higit na malaki ang dami na nátirá kaysa nagamit.
ma·lom·pá·yak
png |[ ST ]
:
uri ng bangâ na patag ang ilalim.
ma·lón
png |[ War ]
:
bahagi ng isang kabuuan.
má·long
png
1:
[ST]
agos ng tubig
2:
[ST]
pagpapamalas ng katapangan tulad ng isang naghihiganti
3:
[Mrw]
telang tíla bumbong ng mga Maranaw.
má·long-a-án·dong
png |[ Mrw ]
:
pinakatatanging malong, karaniwang mapusyaw na pulá at may dekorasyong ikat na pahalang sa tela.
má·long-a-lán·dap
png |[ Mrw ]
:
uri ng malong na higit na mababà ang pagtatangi kaysa malong-a-andong.