my
myasthenia (má·yas·ti·ni·yá)
png |Med |[ Ing ]
:
kalagayan na nagiging sanhi ng abnormal na panghihinà ng ilang kalamnan.
-mycin (máy·sin)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangalan ng mga antibiyotikong compound na mula sa funggus, hal streptomycin.
mycology (máy·ko·ló·dyi)
png |Bot |[ Ing ]
1:
sangay ng botanika na tumatalakay sa funggus
2:
funggus ng partikular na rehiyon.
mycosis (may·kó·sis)
png |Med |[ Ing ]
:
sakít na sanhi ng funggus, hal buni at alipunga.
myelitis (me·ye·láy·tes)
png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng gulugod.
myeloma (may·ló·ma)
png |Med |[ Ing ]
:
malubhang tumor sa bone marrow.
myna (máy·na)
png |Zoo |[ Ing ]
:
ibon sa timog silangang Asia na kahawig ng martines at may kakayahang makapanggaya ng tinig ng tao.
myology (ma·yó·lo·dyí)
png |Med |[ Ing ]
:
pag-aaral sa estruktura at funsiyon ng mga kalamnan.
myosotis (má·yo·só·tis)
png |Bot |[ Ing ]
:
haláman (genus Myositis ) na may maliliit na bughaw, pink, o putîng bulaklak.
mythopoeia (mi·tó·po·é·ya)
png |Lit |[ Ing ]
:
ang paggawâ ng mga mito o alamat.
myxomatosis Med (mik·só·ma·tó·sis)
png |Zoo |[ Ing ]
:
nakahahawa at nakamamatay na sakít ng mga kuneho dulot ng pamamagâ ng mucous membrane.