mito


mí·to

png |[ Esp ]
1:
Lit kuwento hinggil sa di-pangkaraniwang nilaláng o pangyayari, mayroon man o walang batayan : MYTH
2:
anumang imbentong idea o konsepto : MYTH
3:
Sik hindi mapatunayang kolektibong paniniwala na tinatanggap bílang totoo kahit walang pagsusuri : MYTH
4:
likhang-isip na tao o bagay : MYTH Cf ALAMÁT

mi·tó·lo·hí·ya

png |Lit |[ Esp ]
1:
agham o pag-aaral hinggil sa mga alamat at mito : MYTHOLOGY
2:
aklat hinggil sa mga alamat at mito : MYTHOLOGY
3:
kalipunan ng mga alamat at mito : MYTHOLOGY

mi·tó·sis

png |Bio |[ Ing ]
:
uri ng pagkakahati ng cell, na nagbubunga ng dalawang cell at may magkatulad na bílang at uri ng mga chromosome na kagaya ng pinanggalíngang nukleus.