mira


mí·ra

png |[ Esp mirra ]
1:
Bot dagtâ na may aromatikong amoy at mula sa isang uri ng palumpong (genus Commiphora ) : MYRRH
2:
sa Bibliya, isa sa mga iniregalo ng tatlong mago sa batàng si Jesus : MYRRH

miracle (mí·ra·kél)

png |[ Ing ]

miracle rice (mí·ra·kél rays)

png |Bot |[ Ing ]
:
makabagong uri ng palay na bunga ng saliksik sa International Rice Resesarch Institute.

mi·ra·dór

png |Ark |[ Esp ]
1:
galeriya na kakikitáhan ng magandang tanawin
2:
balkonaheng napalilibutan ng mga bintana
3:
torselya o tore na idinurugtong sa isang gusali.

mi·ra·flór

png |Bot |[ Ilk ]

mi·ral·yá

png |Zoo |[ Esp medalla ]
:
isdang-dagat (Leiognathus leuciscus ) na maliliit at madalîng malagas ang kaliskis : DAGOLDÁLAN, DANÚTAN, HIWÁS1, LUMÓAN, PALÁNGAN2, TALIBUKNÓ, TALIBUNÓ, TÁMBUNG

mí·ras

pnb |[ Kap ]
:
nararatíng o naratíng na ang isang pook.

mi·ra·sól

png |Bot |[ Esp ]

mí·ray

png |[ Ilk ]