palagay


pa·la·gáy

png |[ pa+lagay ]
1:
pansariling pananaw o paniwala hinggil sa isang bagay na maaaring hindi nakabatay sa katunayan o kaalaman : ABALÓAN, ÁGA2, AKALÀ1, DAMDÁMIN2, DÁYA1, ÉSPEKULASYÓN1, ÉSTIMASYÓN3, FEELING3, HINÁGAP1, HÚNAHÚNA, KANONÓTAN, KAPANUNÓTAN, MITNÀ, OPINION, OPINYON, PAGARÚP, PAGSÁ-BOT, PAKIRAMDAM2, PIKILÁN, VIEW5, VIEWPOINT
2:
pansariling pagtayà sa uri at halaga ng isang bagay o tao : ÉSTIMASYÓN3, FEELING3, OPINION, OPINYON, VIEW5, VIEWPOINT
3:
Bat pormal na pahayag hinggil sa mga katwiran para sa isang ibinigay na pasiya : ÉSTIMASYÓN3, FEELING3, OPINION, OPINYON, VIEW5, VIEWPOINT
4:
bagay na ibinilin para ilagay sa isang lugar
5:
pagiging mahinahon sa gitna ng galit o dalamhati.

pa·la·gáy ang lo·ób

pnr
:
hindi natatákot o hindi naliligalig.

pa·la·gá·yang-lo·ób

png |[ pa+lagay+ang-loob ]
:
pagtitiwala sa isa’t isa.