pitik


pi·tík

png
1:
pag-igkas ng hintuturo na nakabaluktot sa hinalalaki, lalo at may pinatatamaan : BÁNTIL1, PAKBÓNG2 — pnd i·pi·tík, pi·ti·kán, pi·ti·kín, pu·mi·tík
2:
Kar [Hil Kap Seb Tag War] nakaikid na pisi na may bahid ng tinta, hinahatak upang mag-iwan ng tuwid na linya na magsisilbing gabay sa pagpútol ng kahoy : AMLÓNG, BAKTÁW1, PALTÍK1
3:
[Hil Tag] lubid na ginagamit sa kalabaw
4:
kislap at tunog, gaya sa apoy, ilaw, at kauri : BITÌ, KIRÎ-KITÎ, RISSIK, PITÎ-PITÎ
5:
tunog ng biglaang paghampas o pag-alon, gaya sa lubid, kabisada, at kauri.

pí·tik

png |Med
:
mitig o pamimitig var mitik

pi·tík-bu·lág

png
:
larong pambatà, pinipitik ang kamay ng tayâ na nakatakip sa mukha nitó at pagkata-pos ay huhulaan at gagayahin ng tayâ ang iminuwestrang kamay ng pumi-tik : PINNITÍK

pi·tík-pi·tík

png
1:
Zoo [Hil] kití-kití1
2:
Med [Bik Ilk Pan] palpitasyon.