biti
bi·ti·bót
png |Agr |[ War ]
:
imbákan o sisidlan ng bigas o palay.
bí·tig
png
1:
[ST]
panliliit dahil sa tákot
2:
Zoo
erbiborong isdang-alat (Stephanotepis tomentosus ) na makipot ang bunganga at maliliit ang mga kaliskis.
bi·tík
png
1:
[ST]
palamuti na inilalagay sa mga binti
2:
[ST]
pantalì o dugtúngan ng bangkâ
3:
Zoo
[Akl Hil]
pulgás
4:
Bot
punongkahoy na pinagkukunan ng tablang giho
5:
[Seb]
silò3
6:
[War]
patibóng.
bi·tíl·ya
png |Zoo
:
katamtaman ang lakí na isdang-alat (family Lethrinidae ), walang kaliskis ang ulo, may matibay na ngipin sa dalawang sihang, at kulay pulá na may batík-batík na bughaw ang katawang sapad : BAGÁNGAN3,
BAKÓKONG MÓRO,
BILÁSON,
BÚGSI,
BUKÁWAL2,
EMPEROR2,
GÉGING,
KATÁMBAK,
KILÁWAN,
KIRÁWAN,
KÍROS,
MÁDAS,
MAMLAGÁAS
bí·tin
png |[ Bik Hil Ilk Kap Mrw Pan Tag War ]
1:
paglalagay sa isang bagay sa paraang nakasabit sa dingding o pader, o nakatalì ang pang-itaas na bahagi at hindi sumasayad ang ibang bahagi sa sahig, lupa, at katulad : LAWÍT — pnd i·bí·tin,
mag·bí·tin
2:
ang pumipigil o sanhi ng pagkakaantala
3:
sa larong pabítin, maliit na balag na kinasasabitan ng mga premyo at paagaw.
bi·ti·nán
png |[ bítin+an ]
:
anumang maaaring sabítan o sampayán.
bí·tin-bí·tin
png |Bot |[ ST ]
:
baging o anumang haláman na gumagapang.
bí·tin-ta·gáy
png |[ ST ]
:
pagtatagayan ng alak ngunit walang layuning maglasing.