quad


quad (kwad)

png |[ Ing ]
:
pinaikling quadrangle, quadrat at quadruple.

quadragenarian (kwad·ra·dye·nár·yan)

pnr |[ Ing ]
1:
apatnapung taóng gulang
2:
sa pagitan ng gulang na apatnapu at limampu.

Quadragesima (kwad·ra·dyé·si·má)

png |[ Ing ]
:
unang Linggo ng Kuwaresma.

quadrangle (kwad·ráng·gel)

png |[ Ing quadrangle ]
:
kuwadránggulóCf QUAD.

quadrans (kwád·rans)

png |Ekn |[ Ing ]
:
bronseng barya sa sinaunang Roma.

quadrant (kwád·rant)

png |[ Ing ]
1:
sangkapat ng bilóg na may arkong 90° : KUWADRÁNTE1
2:
area na sakop ng arko at dalawang iginuhit na radius : KUWADRÁNTE1
3:
anumang may hugis ng sangkapat ng bilóg, lalo na ang bahagi ng mákiná : KUWADRÁNTE1
4:
Mat sa heometriya, isa sa apat na bahagi ng anumang patag na rabaw na hinati ng dalawang perpendikulong linya : KUWADRÁNTE1
5:
anumang instrumentong ginagamit sa astronomiya, nabegasyon, at katulad na may gradwasyong 90° at karaniwang ginagamit sa pagsukat ng altitud : KUWADRÁNTE1

quadraphonic (kwad·ra·fó·nik)

pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa pagrerekord at reproduksiyon ng tunog sa apat na nagkahiwalay na daluyan ng transmisyon sa halip na dalawa na karaniwan sa sistema ng stereo.

quadrat (kwád·rat)

png |[ Ing ]
1:
puwang sa limbag na isang en o mahigit ang luwang Cf QUAD
2:
parisukat o parihabâng káma ng lupa na ginagamit sa pag-aaral ng mga haláman at hayop.

quadrate (kwád·reyt)

png |Mat |[ Ing ]
:
parisukát o parihabâ.

quadratic (kwad·rá·tik)

png |[ Ing quadratic ]
2:
Mat square at walang hihigit na power ng isang kantidad na hindi tiyak ; hinggil sa pangalawang degree : KUWADRÁTIKÓ
3:
tumbasan o polynomial sa ikalawang degree : KUWADRÁTIKÓ

quadratic form (kwad·rá·tik form)

png
2:
Mat polynomial ng ikalawang degree na walang hindi nagbabagong termino.

quadratic formula (kwad·rá·tik fór·mu·lá)

png |Mat
:
pormula upang tiyakin ang root ng kuwadratikong tumbasan.

quadratics (kwad·rá·tiks)

png |Mat
:
sangay ng alhebra na tumatalakay sa mga kuwadratikong tumbasan.

quadrature (kwad·réy·tyur)

png |[ Ing ]
1:
paggawâ ng parisukat
2:
Mat paraan ng paghahanap ng square ng katumbas na area sa hatag na rabaw ; o paraan ng paghahanap ng area o ang pagkalkula ng integral, karaniwang sa pamamagitan ng pamamaraang pambílang
3:
Asn posisyon ng buwan o planeta kapag ito ay 90° ang layo kapag tiningnan mula sa lupa.

quadrel (kwád·rel)

png |[ Ing ]
:
parisukat na bató, ladrilyo, o baldosa.

quadrennial (kwad·rén·yal)

pnr |[ Ing ]
:
nagaganap tuwing apat na taon.

quadrennium (kwad·rén·yum)

png |[ Ing ]
:
panahon na sumasaklaw ng apat na taon.

quadri- (kwád·ri)

pnl |[ Ing Lat ]
:
pambuo ng tambalang salita at nangangahulugang apat.

quadricentennial (kwad·ri·sen·tén·yal)

pnr |[ Ing ]
:
tumutukoy sa pagtatapos ng ikaapat na daang taon.

quadriceps (kwád·ri·séps)

png |Ana |[ Ing ]
:
malaking masel sa harap ng hità na tumutulong upang maunat ang hugpungan ng paa at hugpungan ng balakáng.

quadric surface (kwád·rik sér·fis)

png |[ Ing ]
:
rabaw na masisipat sa tatlong panig at may kuwadratikong tumbasan.

quadricycle (kwad·ri·sáy·kel)

png |[ Ing ]
:
sasakyang kahawig ng bisikleta at traysikel ngunit may apat na gulóng.

quadrifid (kwád·ri·fíd)

pnr |[ Ing ]
:
biniyak sa apat na bahagi.

quadriga (quad·rí·ga)

png |[ Ing Lat ]
:
chariot na may dalawang gulong at hinihila ng apat na kabayo.

quadrigatus (kwád·ri·géy·tus)

png |Ekn |[ Lat ]
:
baryang pilak sa sinaunang Roma na nagtataglay ng hulagway ni Jupiter na nasa quadriga.

quadrik (kwád·rik)

pnr |Mat |[ Ing quadric ]
:
nása ikalawang degree, karaniwang sa mga funsiyon na may mahigit dalawang variable.

quadrik (kwád·rik)

pnr |Mat |[ Ing quadric ]
:
nása ikalawang degree, karaniwang sa mga funsiyon na may mahigit dalawang variable.

quadrilateral (kwad·ri·lá·te·rál)

pnr |Mat |[ Ing ]
:
apat na gilid : KUWADRÍLATÉRO

quadrilingual (kwad·ri·líng·gwal)

pnr |[ Ing ]
:
gumagamit ng apat na wika.

quadrille (kwá·dril)

png |[ Ing ]
1:
Say square dance para sa apat na pares at binubuo ng apat na bahagi o galaw
2:
sa baraha, larong nilalaro ng apat na tao.

quadrillion (kwad·ríl·yon)

pnr |Mat |[ Ing ]
:
sa United States at France, kardinal na bílang na sinusundan ng labinlimang zero ; sa Great Britain at Germany, kardinal na bilang na sinusundan ng dalawampu’t apat na zero.

quadrinomial (kwad·ri·nóm·yal)

pnr |Mat |[ Ing ]
:
binubuo ng apat na termino.

quadripartite (kwad·ri·pár·tayt)

pnr |[ Ing ]
1:
hinati sa o binubuo ng apat na bahagi
2:
binubuo ng apat na kalahok.

quadriplegia (kwad·ri·ple·hí·ya)

png |Med |[ Ing ]
:
lubusang pagkalumpo o pagkaparalisa ng buong katawan.

quadrisect (kwád·ri·sék)

pnd |[ Ing ]
:
hatiin sa apat na magkaparehong bahagi.

quadrisyllable (kwád·ri·sí·la·ból)

png |Gra |[ Ing ]
:
salitâng may apat na pantig.

quadrivalent (kwád·ri·véy·lent)

pnr |Kem |[ Ing ]
1:
may apat na valence
2:
may apat na magkaibang valence, gaya ng antimony na may valence na 5,4, 3, at 3.

quadrivial (kwad·rív·yal)

pnr |[ Ing ]
1:
may apat na daanang nagkikíta sa isang punto
2:
papunta sa apat na direksiyon.

quadrivium (kwad·rív·yum)

png |[ Ing ]
:
sa panahon ng Edad Medya, bahagi ng pitóng dibisyon ng mga sining liberal kasáma na ang aritmetika, heometriya, astronomiya, at musika.

quadrumane (kwád·ru·méyn)

png |Zoo |[ Ing ]
:
hayop na may apat na paa na ginagamit ding kamay, gaya ng unggoy.

quadrumvirate (kwad·rúm·vi·réyt)

png |[ Ing ]
:
namamahalàng pangkat, koalisyon, o katulad na binubuo ng apat na tao.

quadruped (kwád·ru·péd)

png |Zoo |[ Ing ]
:
hayop na apat ang paa, tulad ng baboy at báka : KUWADRÚPEDÓ

quadruple (kwád·ru·pól)

png pnr |[ Ing ]
1:
apat na ulit ang dami o bilang : KUWÁDRUPLÓ, QUADRUPLEX1 Cf QUAD
2:
Mus apat na nota sa isang kompás : KUWÁDRUPLÓ Cf QUAD

quadruplet (kwád·rup·lét)

png |[ Ing ]
1:
alinmang pangkat o pinagsáma-sámang apat
2:
Med apat na batà na ipinanganak ng isang ina sa isang pagbubuntis
3:
Mus pangkat ng apat na notang may tiyempong karaniwang nakalaan sa tatlong nota lámang.

quadruplex (kwád·rup·léks)

pnr |[ Ing ]
2:
sa sistemang telegrapiya, tumutukoy sa apat na mensaheng napararating nang sabay sabay sa pamamagitan ng iisang kable o tsanel ng komunikasyon.

quadruplicate (kwad·rúp·li·kéyt)

pnr |[ Ing ]
1:
pang-apat na kopya
2:
isa sa apat na magkakaparehong bagay.