red
redeem (ri·dím)
pnd |[ Ing ]
1:
bayáran ang dáting ari-arian na nailit
2:
tubusin ang bagay na isinanla
3:
tuparin ang isang pangako o panata
4:
punuan ang pagkukulang at katulad
5:
tubusin sa pagkakapiit o pagkakadukot sa pamamagitan ng pagbibigay ng ransom
6:
sa teolohiya, tubusin sa pagkakasala.
redeemer (ri·dím·er)
png |[ Ing ]
1:
tao na tumubos, hal sa bagay na nawala
2:
3:
sa malaking titik, si Jesucristo.
Red Guard (red gard)
png |Pol |[ Ing ]
:
alinman sa iba’t ibang sosyalista o radikal na pangkat.
red meat (red mit)
png |[ Ing ]
:
puláng karne.
redneck (réd·nek)
png |Alp |[ Ing ]
:
sa katimugang bahagi ng United States, hindi nakapag-aral na puti at nagtratrabaho bílang manggagawà sa bukid.
re·do·blán·te
png |[ Esp ]
:
tagatugtog ng tambol.
re·dó·ble
png |Mus |[ Esp ]
:
tuloy-tuloy at ritmikong tunog ng tambol, karaniwang ginagamit sa militar.
re·don·dél
png |[ Esp ]
1:
pabilog na balangkas
2:
pabilog na tanghalan, gaya sa sirko.
red palm
png |Bot |[ Ing ]
:
nagkukumpol na palma (Cyrtostachys renda ), 7 m ang taas, payát ang bunged, at may tangkay na kulay pulá, katutubò sa Malaya at maaaring ipinasok sa Filipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
redress (rí·dres)
png |[ Ing ]
1:
pagwawasto ng anumang mali
2:
kalayaan sa anumang kamalian o pagkakapinsala
3:
paglunas sa pagkakamali o pagkakapinsala sa pamamagitan ng pagbabayad.
Red Sea (red si)
png |Heg |[ Ing ]
:
Dágat Pulá.
Redskin (réds·kín)
png |Alp |[ Ing ]
:
Americanong Indian o katutubong Americano.
reductio ad absurdum (re·dúk·syi·ó ad ab·súr·dum)
png |[ Lat “mauwi sa pagiging absurdo” ]
:
paraan ng pag-sinsay sa isang argumento sa pa-mamagitan ng pagpapakíta na ab-surdo ang lohikal na kauuwian nitó.
re·duk·si·yón
png |[ Esp reduccion ]
1:
Kas noong panahon ng Español, pagpapatahimik sa mga tao sa pamamagitan ng pag-ipon sa isang pook
2:
pagpapababâ o pagpapaliit : REDUCTION
3:
báwas1 o pagbabawas : REDUCTION
4:
halaga o lakí ng nabawas o naalis : REDUCTION
5:
pinaliit na kopya, gaya sa retrato : REDUCTION
6:
Kem
pagtanggal ng oxygen ; pagdaragdag ng hydrogen ; pagbababâ ng valence ng isang positibong element ng compound : REDUCTION
re·duk·si·yo·nís·mo
png |[ Esp reduccionismo ]
1:
tendensiya o prinsipyo na gawing payak ang pagsusuri sa masalimuot na bagay : REDUCTIONISM
2:
doktrina na nagsasaad na maaaring lubusang maintindihan ang isang sistema sa pamamagitan ng paisa-isang pagintindi sa mga bahagi nitó ; pag-unawa sa isang idea sa pamamagitan ng simpleng konsepto na kaugnay nitó : REDUCTIONISM
re·dun·dan·si·yá
png |[ Esp redundancia ]
1:
kalidad o kalagayan ng pagiging maulit
2:
mababaw na pag-uulit.
reduplicated noun (ré·dup·li·kéy·ted nawn)
png |Gra |[ Ing ]
:
pangngalang inuulit.
re·dup·li·kas·yón
png |[ Esp reduplicacíon ]
1:
pagiging doble
2:
Gra Lgw
magkasunod na paglitaw ng isang titik o pantig sa isang salita nang walang pagbabago o may kaunting pagbabago lámang, hal sari-sari, araw-araw, bató-bato : PAG-UÚLIT2
redwood (réd·wud)
png |[ Ing ]
1:
Bot
malaki at mataas na punongkahoy (Sequoia sempervirens ) na matatagpuan sa California
2:
kahoy na mula sa punòng ito na kulay kayumangging pulá at itinuturing na mahalaga
3:
kahoy na kulay pulá
4:
alinman sa iba’t ibang punongkahoy na napagkukunan ng puláng tina ang kahoy.